Pope Leo XIV sa Kuwaresma: Iwasan ang masasakit na salita at padalos-dalos na paghuhusga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,230 total views

Habang papalapit ang Kuwaresma na magsisimula sa Ash Wednesday sa Pebrero 18, hinimok ni Pope Leo XIV ang mga Kristiyano na buksan ang puso sa pakikinig, pag-aayuno, at pakikibahagi sa komunidad.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng pag-iwas sa masasakit na salita at padalos-dalos na paghuhusga upang bigyan daan ang kabaitan, pag-asa, at kapayapaan.

“Let us begin by disarming our language, avoiding harsh words and rash judgement, refraining from slander and speaking ill of those who are not present and cannot defend themselves. Instead, let us strive to measure our words and cultivate kindness and respect in our families, among our friends, at work, on social media, in political debates, in the media and in Christian communities,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.

Sinabi ng Santo Papa na ang Kuwaresma ay pagkakataon para ilagay muli sa sentro ng ating buhay ang misteryo ng Diyos.

Dagdag pa ni Pope Leo XIV, “Every journey of conversion begins by letting God’s word touch our hearts, so that we may renew our commitment to follow Christ in the mystery of His saving passion, death, and resurrection.”

Binigyang-diin din ng Santo Papa ang pag-aayuno bilang paraan upang buksan ang puso sa katarungan at gabayan ang ating pagnanasa para sa Diyos at mabuting gawa.

Paalala ni Pope Leo,“We must fast in faith, humility, and communion with the Lord, and not in a way that leads to pride.”

Bilang pagtatapos, hinimok ng Papa ang lahat na gamitin ang salita upang magbigay ng pag-asa at malasakit.

“Let us ask for the strength that comes from the type of fasting that also extends to our use of language, so that hurtful words may diminish and give way to a greater space for the voice of others,” ayon pa sa pinunong pastol.

Sa kanyang paanyaya, hinihikayat ng Santo Papa ang bawat Kristiyanong komunidad na maging bukas sa mga naghihirap at maging daan ng kabutihan at pagkakaisa sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 1,838 total views

 1,838 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 175,772 total views

 175,772 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 153,405 total views

 153,405 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 217,519 total views

 217,519 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 237,165 total views

 237,165 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top