Manindigan sa katotohanan, hamon ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,715 total reads

Nanawagan ang mga lider ng Simbahan sa mga mananampalataya na manindigan sa katotohanan at isabuhay ang batas ng Diyos sa harap ng lumalaganap na kasinungalingan sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Cristo sa Sto. Cristo Parish sa Llano, Caloocan City, binigyang-diin ni Fr. Sunny Quejada, FLP, kura paroko ng parokya, na napapanahon ang paanyaya ng patron lalo na sa panahon ng fake news, misinformation at pagbaluktot ng kasaysayan.

“Mamuhay tayo ayon sa Gospel values… manindigan sa katotohanan para ang kasinungalingan ay hindi maghari,” pahayag ni Fr. Quejada sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon sa pari, hindi sapat ang panlabas na pagpapahayag ng pananampalataya kung hindi ito nakikita sa malinaw at matatag na paninindigan bilang mga binyagan.

“Bilang mga binyagan, tayo ay manindigan sa katotohanan. Ang iyong ‘oo’ ay maging oo, at ang ‘hindi’ ay hindi,” dagdag ng pari.

Hinimok din nito ang patuloy na panalangin at pagbabasa ng Banal na Kasulatan upang mahubog ang konsensiya at hindi matangay ng maling impormasyon.

Samantala, sa kanyang pagninilay, iginiit ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na hindi binabago ni Kristo ang batas kundi pinalalalim ang pag-unawa rito.

“Hindi binabago ni Kristo ang batas; pinalalalim lamang ang pag-unawa rito. Hindi lang ito panlabas na pagsunod… kundi malalim na pagtalima na nagmumula sa pagsasapuso ng batas,” ayon sa obispo.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa na ang tunay na pagsunod ay hindi nakabatay sa takot sa parusa kundi sa panloob na pagbabago.

Ginamit pa nitong halimbawa ang pagsunod sa batas-trapiko upang ilarawan ang hamon ng integridad, ang paggawa ng tama kahit walang nakakikita.

Kinilala rin ng obispo ang kahinaan ng tao, ngunit hinikayat ang unti-unting pagbabago tungo sa kabutihan.

“Hindi porkit ginagawa ng nakararami, okay lang. Isipin lagi natin, ano ang Mabuti, at ano ang narararapat. Nagkakamali pa rin tayo… pero sana hindi pa ulit-ulit ang mali. Pakunti-kunti, patungo sa kabutihan” ani Bishop Gaa.

Ang Sto. Cristo Parish ay itinatag noong 2018 sa ilalim ng Diocese of Novaliches at kasalukuyang pinangangasiwaan ng mga misyonerong pari ng Franciscan of Our Lady of the Poor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,454 total reads

 72,454 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,648 total reads

 107,648 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,948 total reads

 142,948 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,217 total reads

 369,217 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,638 total reads

 258,638 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top