Pag-ayuno, kawanggawa at panalangin, tunay na diwa ng Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,554 total reads

Bagama’t mga abo, ang bawat isa ay nilikha ng Panginoon na kanyang kawangis.

Ito ang binigyan diin ni Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco kasabay ng paggunita ng sambayanang Kristiyano sa Miyerkules ng Abo, ang hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.

Ayon sa dating obispo ng Diyosesis ng Cubao, ang pagpapahid ng abo ay tanda ng pagiging makasalanan, gayundin ang paalala sa kamatayan.

Paliwanag ni Bishop Ongtioco sa misang ginanap sa Veritas Chapel, na ang bawat isa ay mula sa alabok at sa alabok din hahantong, subalit dahil din sa kabutihan ni Hesus na tinubos ang sangkatauhan mula sa kasalanan ang siyang nagbukas sa buhay na walang hanggan.

“Tandaan mo… Ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” Oo, sa alabok nga tayo nanggaling, pero anong nangyari? —Si Hesus ay naging tao. So, ibig sabihin, nakibahagi [Siya] sa ating kahinaan, sa ating, ah, abang kalagayan; “Pero alabok, pa’no ka nilikha ng Diyos?” —Hiningahan ka. Dati, walang kabuhay-buhay; [pero] dahil sa Kanyang hininga, binahaginan ka ng Kanyang buhay, naging tao ka, isang nilikha, kawangis ang Diyos. Binahaginan ng Diyos ang Kanyang kabanalan. [At] ‘yon ang dapat po nating tandaan,” ayon kay Bishop Ongtioco.

Binigyan diin din ng obispo ang tatlong pangunahing gawain ngayong Kuwaresma, mahalagang isaalang-alang ng mga mananampalataya.

Una, panalangin. Kahit maikli, basta galing sa puso at may pasasalamat o panawagan sa gabay ng Diyos. Pangalawa, pag-aayuno at pagtitimpi. Hindi lamang sa pagkain—maaaring bawasan ang oras sa aliw o luho at ituon sa mabuting gawa at pagbabasa ng Salita ng Diyos.

Pangatlo, kawanggawa. Hindi laging pera; simpleng pakikinig, pakikipagkapwa, at pagtulong sa nangangailangan ay malaking biyaya at pagpapakita ng tunay na pagmamahal.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ang maliliit na gawaing may puso at pagmamahal ay higit na mahalaga sa Diyos kaysa sa mga nakikita lamang ng tao.

Hinihikayat din ng obispo niya ang lahat na gawing makabuluhan ang apatnapung araw na paglalakbay sa Kuwaresma, at tanggapin ang buhay at pag-asa na hatid ni Hesus—mula sa alabok, tayo’y ginawang mahalaga at pinagpala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,291 total reads

 57,291 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 136,518 total reads

 136,518 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 169,963 total reads

 169,963 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,261 total reads

 205,261 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 429,464 total reads

 429,464 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top