Bisto Proyekto, inilunsad para bantayan ang mga anomalya sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,283 total reads

Inilarawan ni Adamson University President, Vincentian Fr. Danilo Franklin Pilario, na isang makabagong anyo ng “people power” ang paglulunsad ng digital platform na maglalayong tutukan at bantayan ang mga anomalya sa pamahalaan.

Ito ang Bisto Proyekto na inilunsad sa Adamson University nitong February 21, 2026, na pinagsama-samang inisyatiba ng iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Taongbayan Action for Participatory, Accountable and Transparent Governance (TAPAT) at BetterGov.ph, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at Mayors for Good Governance (M4GG).

Ayon kay Fr. Pilario, hindi lamang mga eksperto o opisyal ang maaaring makilahok sa pagbabantay kundi maging ang mga karaniwang mamamayan na direktang naaapektuhan ng mga palpak o kuwestiyonableng proyekto ng pamahalaan.

“Kung meron man kayong [mapag-alamang] mga katiwalian, lalong-lalo na sa flood control projects and DPWH projects, pwede na po natin gamitin ang Bisto Proyekto. At kahit sino—estudyante, ordinaryong mamamayan, nanay— pwede ninyong i-monitor ang mga projects na meron sa inyong kapaligiran,” pahayag ni Fr. Pilario sa panayam ng Radyo Veritas.

Maaaring ma-access ang platform sa pamamagitan ng website na bisto.ph kung saan makikita ang detalye ng mga proyekto at maaaring magsumite ng ulat sakaling may mapansing iregularidad.

Sinabi pa ni Fr. Pilario na sa ganitong paraan ay napalalakas ang pakikilahok ng taumbayan sa pagsusulong ng transparency at pananagutan ng pamahalaan.

Ang paglulunsad ng nasabing online platform ay bahagi rin ng paggunita sa ika-40 ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na naganap noong Pebrero 1986.

“Sa pamamagitan nito, mabubuhay natin ang people power dahil ang people power ay hindi lang nangyari noong 1986. Dapat magpapatuloy sa araw-araw nating pamumuhay. Kaya tuloy ang people power, mabuhay ang Bisto Proyekto,” saad ni Fr. Pilario

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,126 total reads

 75,126 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,022 total reads

 110,022 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,322 total reads

 145,322 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 371,591 total reads

 371,591 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 260,902 total reads

 260,902 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,002 total reads

 155,002 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top