Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na makiisa sa Ligtas-Tigdas vaccination ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,233 total reads

Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang publiko na makiisa sa “Ligtas-Tigdas” vaccination drive ng Department of Health (DOH) upang mapigilan ang pagkalat ng tigdas sa bansa.

Ayon kay CBCP-ECHC chairman, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, hindi itinuturo ng Simbahan na umasa lamang sa panalangin kundi gawin din ang nararapat upang mapangalagaan ang kalusugan.

Ipinaliwanag ni Bishop Evangelista na mahalaga ang paglapit sa mga dalubhasa sa kalusugan upang makaiwas sa sakit, sapagkat ang panalangin ay dapat samahan ng pagkilos.

“Nasa Diyos ang awa, na sa tao ang gawa. Kung wala tayong pagkilos, wala tayong pagsisikap para maiwasan ang sakit, dadapuan talaga tayo ng sakit,” pahayag ni Bishop Evangelista.

Dagdag pa ng obispo, biyaya ng Diyos ang kaalaman at kakayahan ng mga doktor at health workers kaya nararapat lamang na tangkilikin ang mga programang makatutulong sa pag-iwas sa sakit.

Hinikayat ni Bishop Evangelista ang mga magulang at tagapag-alaga na tiyaking mababakunahan ang kanilang mga anak upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at maiwasan ang posibleng komplikasyon nito.

“Hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa darating na panahon. Sa pamamagitan ng vaccination na ito, ay magkakaroon ng pangontra ang katawan, ang bawat mga bata at indibidwal para magkaroon ng tigdas,” saad ni Bishop Evangelista.

Batay sa pinakahuling ulat ng DOH, umabot sa 5,123 ang kaso ng tigdas at rubella mula Enero 1 hanggang Disyembre 27, 2025, mas mataas ng 32% kumpara sa 3,880 kaso noong 2024, kung saan karamihan ay mga batang limang taong gulang pababa na hindi nabakunahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,997 total reads

 16,997 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,839 total reads

 54,839 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,049 total reads

 73,049 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,378 total reads

 157,378 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,950 total reads

 193,950 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,268 total reads

 80,268 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top