Pagdinig sa 4 na impeachment complaint laban kay VP Duterte, itinakda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,864 total reads

Itinakda na ng House Committee on Justice ang pagdinig kaugnay sa apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.

Ayon kay Justice Committee Chairperson Gerville Luistro, sisimulan na ng komite ang pagtalakay ng mga verified complaints kaugnay sa ‘sufficiency in form and substance’ simula sa March 2, 3 at 4.

“We are dedicating Monday, Tuesday and Wednesday as our initial hearing dates for the impeachment complaints against the Vice President. Kung matapos sa March 2, yung sufficiency in form so that’s it, we will be moving for the sufficiency in substance on the subsequent dates. Pero, kung hindi siya matapos we can continue the deliberation on the succeeding dates,” ayon kay Luistro.

Gayunman sakaling hindi matapos ay bukas din ang komite na palawigin ang talakayan kahit nakabakasyon ang Kamara.

“Again, because this is a very important process, sabi ko nga this is an extraordinary power that was given to the sovereign Filipino to impeach high ranking officials, we do not want to delay impeachment proceedings,” ayon pa sa mambabatas.

Ayon kay Luistro, “We are incline to continue the hearing even during recess.”

Sinabi pa ni Luistro, hindi maaring maantala ang pagtalakay sa usapin ng impeachment na sasailalim din sa kaparehong proseso ng impeachment case ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binigyan diin naman ng kongresista na karapatan din ng Bise Presidente kung nais nitong dumalo sa pagdinig.

Unang inihain ang reklamo noong Pebrero 2 ng Makabayan bloc. Sumunod ang ikalawang reklamo na inendorso nina Mamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Perci Cendaña.

Ang ikatlo ay inihain naman ng pribadong mamamayan, kabilang ang mga pari, madre, abogado at lider ng iba’t ibang organisasyon. Habang ang ikaapat naman ay isinumite ni Atty. Nathaniel Cabrera.

Sa ilalim ng Artikulo XI ng 1987 Konstitusyon, maaaring ma-impeach ang Bise Presidente dahil sa culpable violation of the Constitution, pagtataksil sa tiwala ng bayan, katiwalian, panunuhol at iba pang mabibigat na krimen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,637 total reads

 72,637 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,816 total reads

 107,816 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,116 total reads

 143,116 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 369,385 total reads

 369,385 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,797 total reads

 258,797 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,131 total reads

 12,131 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top