Crypt ni Cardinal Sin sa Manila cathedral, bubuksan sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,871 total views

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, bubuksan ng Manila Cathedral sa publiko ang crypt kung saan nakahimlay si dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa February 25, 2026.

Sa pahayag ng pamunuan ng dambana, layunin nitong bigyang pagkakataon ang mga nais magbigay-pugay sa kardinal na kinikilalang isa sa mga pangunahing personalidad sa mapayapang pag-aaklas noong 1986.

“On February 25, 2026, the 40th anniversary of the EDSA People Power Revolution, we will open to the public the crypt of the Manila Cathedral for those who may want to pay their respects to Jaime L. Cardinal Sin, our former archbishop, who played a major part in the restoration of our democracy in 1986. May our love for country be manifested in our continued pursuit of truth, justice, and peace,” ayon sa Manila Cathedral.

Matatandaang noong gabi ng February 22, 1986, nanawagan si Cardinal Sin sa pamamagitan ng Radio Veritas upang himukin ang mamamayan na magtungo sa EDSA at suportahan ang mga opisyal ng militar na kumalas sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang panawagang ito ang naging mitsa ng apat na araw na makasaysayang pagtitipon ng mamamayan sa EDSA, kung saan hinarap ng libu-libong Pilipino ang mga sundalo at tangke sa pamamagitan ng panalangin at rosaryo, isang pagkilos na nagbunsod sa pagbabalik ng demokrasya sa bansa.

Pumanaw si Cardinal Sin noong 2005 matapos ang matagal na karamdaman at kasalukuyang nakahimlay sa crypt ng Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 65,414 total views

 65,414 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 140,028 total views

 140,028 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 220,107 total views

 220,107 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 263,246 total views

 263,246 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 260,397 total views

 260,397 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top