Ika-40 taong anibersaryo ng EDSA, panahon ng pagsusuri sa laganap na katiwalian sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,466 total views

Hinimok ni Diocese of San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mga mananampalataya na maging mapanuri lalo na sa panahon ng eleksiyon kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa Obispo, ang pagdiriwang ng EDSA ay hindi lamang pag-alala sa pagkilos ng mamamayan laban sa diktadura ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr kundi isang panahon ng pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, lalo na sa usapin ng korapsyon, pandaraya, at hindi wastong paggamit ng kaban ng bayan.

“Ninais nating labanan ito upang mawakasan ang malawakang korupsiyon, mapatigil ang pandaraya, magkaroon ng paggalang sa buhay, magkaroon ng kalayaan ang mga political prisoners, at higit sa lahat ay magkaroon ng pag-unlad ang ating bayan na lugmok sa kahirapan. Ngayon ay ating ipinagdiriwang ang anibersaryo ng EDSA Revolution upang patuloy na labanan ang katiwalian sa ating gobyerno, lalo na ang pandaraya, hindi wastong paggamit sa kaban ng bayan, at ang pagpapayaman ng ilan sa mga nanunungkulan gamit ang pera ng ating bayan.” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Ipinaalala ni Bishop Presto na mahalagang pumili ng mga lider na may malinaw na prinsipyo, may malasakit sa bayan, at may tunay na hangaring mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.

Nakikiisa ang Obispo sa mga panawagan para sa tapat at makataong pamamahala upang mawakasan na ang korapsyon, katiwalian at mga political dynasties.

“Kaya nga’t kailangan nating maging mapanuri palagi, lalo na sa panahon ng eleksiyon. Piliin natin ang mga lider na alam nating may malasakit sa bayan, mga lider na may malinaw na prinsipyo sa pamumuno, at mga lider na may hangad na mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino, Makiisa din tayo sa mga panawagan o pagkilos upang isa-boses ang ating mithiin para sa kabutihan ng lahat, na ang mga lider ay maglingkod nang tapat at may pagmamalasakit,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Bishop Presto.

Iginiit ni Bishop Presto na nananatiling hamon ang katiwalian at karahasan sa lipunan kaya mahalaga ang panalangin at aktibong pakikilahok ng mamamayan upang matiyak na ang pamumuno sa bansa ay nakatuon sa kabutihan nang lahat na kaakibat sa paninindigan ng Simbahan laban sa korapsyon at sa pagsusulong ng dignidad ng bawat tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 25,726 total views

 25,726 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 31,855 total views

 31,855 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 61,997 total views

 61,997 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 82,215 total views

 82,215 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 102,578 total views

 102,578 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 3,409 total views

 3,409 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 5,618 total views

 5,618 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 5,634 total views

 5,634 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top