Pananagutan at transparency, panawagan ng Philippine Carmelites sa ika-40 anibersaryo ng EDSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,671 total views

Nanawagan ang Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma (O.Carm.) ng pananagutan at transparency sa pamahalaan kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa inilabas na pahayag grupo na kasalukuyang nagtitipon para sa kanilang ika-limang Provincial Chapter, binigyang-diin nito ang kahalagahan sa patuloy na paninindigan para sa katotohanan at katarungan lalo na sa mga lider ng pamahalaan.

“With this, we join the call for accountability and transparency in government and an end to the self-perpetuating scourge of political dynasties,” ayon sa pahayag ng Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma (O.Carm.).

Ayon sa mga misyonerong Karmelo, hindi maaaring ihiwalay ang paggunita sa EDSA sa kasalukuyang kalagayan ng bansa lalo na sa usapin ng katiwalian.

Iginiit ng mga Karmelo na lubhang nakababahala ang kasalukuyang kalagayan ng bansa kasunod ng mga nabubunyag na multi-trillion-peso corruption na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng bayan.

“The wave of corruption scandals sweeping our country has exposed a troubling absence of integrity and accountability among the very leaders entrusted with guiding the nation and safeguarding its most vulnerable communities,” giit ng mga Karmelo.

Binigyang-diin ng kongregasyon na bilang mga tagasunod ng tradisyong maka-propeta ni San Elias at ng mapagnilay na buhay ni Maria, at bilang tagapagmana ng paninindigan para sa katotohanan ni San Titus Brandsma, muli nilang pinagtitibay ang pakikiisa sa taumbayan.

“We commit ourselves to journeying with the Filipino masses who continue to suffer from a culture of greed and indifference fostered by corrupt government officials,” giit ng kongregasyon.

Inalala rin ng kongregasyon ang kanilang pakikiisa sa mamamayan noong panahon ng batas militar at sa makasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution.

Ayon sa mga misyonero magpapatuloy ang kanilang paninindigan laban sa anumang uri ng katiwalian at mariing isulong ang pagkalinga sa mga dukha at mahihinang sektor ng lipunan.

“Just as we stood by the poor and oppressed during the dark years of martial law under Ferdinand Marcos Sr. and were present with the masses that assembled for the historic 1986 EDSA People Power Revolution, which we commemorate today, we renew our resolve to reject corruption in all its forms and to remain in solidarity with the struggling masses,” anila.

Dagdag pa ng mga Karmelo nananatiling hamon ang pagpapalalim ng demokrasya sa bansa.

“We recognize that democracy is a work in progress, and we will continue to offer ourselves as vessels of hope in prayer and in action…” pahayag pa ng kongregasyon.

Tiniyak ng Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma (O.Carm.) ang patuloy na pakikinig sa tinig ng mga nasa laylayan ng lipunan kabilang ang mga katutubo, magsasaka, manggagawa, biktima ng paglabag sa karapatang pantao at mga migranteng Pilipino na nakararanas ng iba’t ibang uri ng paghihirap.

Sa pagdiriwang ng ika-40 taon ng EDSA, muling iginiit ng mga misyonero ang panawagan para sa katarungan, katapatan at tunay na paglilingkod sa bayan, kalakip ang panalangin na manaig ang hustisya at kapayapaan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 2,170 total views

 2,170 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 52,854 total views

 52,854 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 58,983 total views

 58,983 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 89,091 total views

 89,091 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 108,214 total views

 108,214 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top