Ipaglaban ang karapatan, katotohanan at pananagutan, apela ng ATM sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,397 total reads

Nanindigan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) na nananatiling buhay ang diwa ng People Power sa gitna ng panawagan para sa pananagutan, katarungan at pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa grupo, apat na dekada matapos ang makasaysayan at mapayapang pagkakaisa ng taumbayan noong 1986, muling nasasaksihan ng taumbayan ang malawakang pandarambong sa ekonomiya at likas-yaman ng bansa.

Iginiit ng ATM na sa halip na ganap na kalayaan at kaunlaran, nananatili ang mabigat na utang ng bansa, malawak na kahirapan, patuloy na pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatang pantao—lalo na sa mga pamayanang apektado ng pagmimina.

“Alyansa Tigil Mina (ATM) joins thousands of Filipinos marching in the streets today to demand accountability from corrupt government officials and their private sector cohorts,” pahayag ng ATM.

Binigyang-diin din ng grupo ang pagpasa ng panukalang batas laban sa political dynasty upang maiwasan ang pagkakatuon ng kapangyarihan sa iilang pamilya, kabilang ang mga iniuugnay sa mga usapin sa mga pampublikong proyekto tulad ng maanomalyang flood control projects.

Binatikos ng ATM ang agresibong pagsusulong ng malakihang pagmimina sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng matinding pagtutol ng mga lokal na komunidad.

Paliwanag ng grupo na dahil sa pagkiling ng pamahalaan sa mga kumpanya ng pagmimina at sa pagsasantabi sa hinaing ng mga apektadong mamamayan, napipilitan ang ilan na maglunsad ng mga kilos-protesta at magtayo ng mga barikada upang pigilan ang mapaminsalang operasyon at pagpasok ng mabibigat na kagamitan sa kanilang lugar.

“Indeed, the assertion of their democratic rights is justly exercised by marginalized communities that have long suffered government neglect. The vibrant spirit of the people’s power lives on,” ayon sa grupo.

Sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA, hinimok ng grupo ang publiko na patuloy na ipaglaban ang dignidad, karapatan, katotohanan at pananagutan.

Anila, ang demokrasya at kalayaang dapat ay napakinabangan na ng mamamayan matapos ang EDSA ay nararapat igiit at isabuhay sa kasalukuyan upang maitaguyod ang malalim at pangmatagalang pagbabago sa araw-araw na pamumuhay.

“Let us not waver in our collective struggle for truth and accountability, social justice and human rights, and an empowering and progressive society for the next generations,” ayon sa ATM.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 79,884 total reads

 79,884 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 114,429 total reads

 114,429 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 149,729 total reads

 149,729 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,998 total reads

 375,998 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 265,097 total reads

 265,097 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,177 total reads

 155,177 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top