Muling i-alay ang Pilipinas sa patnubay ng panginoon at birheng Maria-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,446 total reads

Ibinigay ng EDSA People Power Revolution sa mga Pilipino ang demokrasya upang tunay na maisulong ang katarungang panlipunan.

Binigyan diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na sa pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay dapat alalahanin ng mga Pilipino ang kasaysayan at ang naging pagkakaisa ng sambayanang Pilipino sa pagtatanggol ng kalayaan at dignidad ng tao.

Inihayag ng Obispo na ang paggunita sa bloodless revolution ay hindi para sa interes ng iilan sa halip ito ay pagsasabuhay sa kahandaan ng mga Pilipino na magsakripisyo para sa bayan, katotohanan, at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“Today, we are called not only to remember but to relive those noble and praiseworthy ideals, and to renew the selfless spirit that inspired them. We must not allow thesevalues to be forgotten, distorted, or used to advance personal ambitions. Public office is a sacred trust. Authority must never be abused or misused for personal enrichment, but exercised with integrity, accountability, and genuine service to the common good,” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa Obispo, ang EDSA People Power Movement ay higit pa sa isang pampulitikang kasaysayan, ito ay isang moral at espiritwal na kaganapan at patunay ng kapangyarihan ng pananampalataya, mapayapang pakikibaka, at pagkakaisa.

Isa rin itong malinaw na pagpapakita na ang katotohanan ay mas malakas kaysa karahasan at ang pagmamahal sa bayan ay dapat mangibabaw kaysa pansariling pakinabang.

“May this milestone lead us to renewal—renewal of conscience, renewal of institutions, and renewal of our commitment to truth and justice. Where there has been wrongdoing, may there be accountability. Where there has been loss, may there be restitution and reparation, Let us once again turn to prayer, entrusting our nation to the guidance of God. May the spirit of EDSA live on—not only in memory, but in our daily choices, our public life, and our unwavering commitment to a just, humane, and faithful Philippines,” ayon pa sa mensahe na pinadala ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Obispo na hindi lamang alaala ang dapat ibigay sa pagdiriwang na ito kundi muling pagsasabuhay ng diwa na nagbigay inspirasyon sa buong mundo ng mapayapang rebolusyon.

Hinikayat ni Bishop Santos ang lahat na muling manalangin at ialay ang bansa sa patnubay ng Diyos upang manatili ang diwa ng EDSA sa ating pang-araw-araw na buhay at sa ating walang kapantay na pagtangkilik sa isang makatarungan, makatao, at tapat na Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,097 total reads

 21,097 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,615 total reads

 58,615 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,826 total reads

 76,826 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,154 total reads

 161,154 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,533 total reads

 197,533 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,087 total reads

 20,087 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top