Archbishop Villegas sa ika-40 taon ng EDSA: “Murderers cannot be leaders”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,595 total views

Iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi dapat pahintulutang mamuno ang mga sangkot sa pagpaslang kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang homiliya na may paksang “They Have No Wine (John 2:3): From Memory to Action,” sa kapistahan ng Mary Queen of Peace sa National Shrine of Mary, Queen of Peace of EDSA Shrine mariing sinabi ng arsobispo na, “Murderers cannot be leaders.”

Binigyang-diin ni Archbishop Villegas na ang pamumunong may kaakibat na karahasan at pqglabag sa karapatang pantao ay salungat sa diwa ng People Power noong 1986.

“That kind of leadership must not be given another chance in this country. That is not EDSA,” ani Archbishop Villegas.

Inihalintulad din ng arsobispo ang kasalukuyang kalagayan ng bansa sa tagpo sa kasalan sa Cana kung saan naubusan ng alak.

“We confront our betrayals, repent, and rise. Our wine is running out,” pahayag ni Archbishop Villegas, sabay panawagan ng pagsisisi at pagbabalik sa tunay na diwa ng EDSA.

Ayon sa arsobispo, nanaig ang popularidad kaysa konsensya sa pagpili ng mga pinuno.

Nanawagan din si Archbishop Villegas sa International Criminal Court (ICC) upang papanagutin ang mga responsable sa mga pagpaslang kaugnay ng kampanya kontra droga.

“Bring to justice the murderers of drug users who also murdered our national virtues and values,” giit ng arsobispo.

Nagbabala rin si Archbishop Villegas sa publiko laban sa pagbabaluktot ng kasaysayan kasabay ng malawakang paglaganap ng fake news, misinformation, at disinformation.

Hinimok ng arsobispo ang kabataan na maging mapanuri sa gitna ng laganap na maling impormasyon.

“Without historical truth, society drifts to totalitarianism… Don’t chase viral posts like dumb goats… Kill lies before sharing ,” paalala ni Archbishop Villegas.

Sa kabila nito, tiniyak ng arsobispo na may pag-asa pa ang bansa kung mananatiling buhay ang diwa ng People Power.

“May pag-asa pa! Nasa ating mga kamay ang pagkabuhay na muli ng EDSA!” ayon kay Archbishop Villegas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 51,119 total views

 51,119 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 57,248 total views

 57,248 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 87,390 total views

 87,390 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 106,617 total views

 106,617 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 124,797 total views

 124,797 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top