Lotilla, itinalagang ambassador sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,794 total reads

Itinalaga ni Pangulong Fedinand Marcos Jr. si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Raphael Lotilla bilang Philippine ambassador to the Holy See.

Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa ginanap na press briefing sa Malacanang.

“Secretary Raphael Lotilla, meanwhile, was designated by the President as Philippine ambassador to the Holy See,” ayon kay Usec. Castro.

Hahalili naman kay Lotilla si DENR Undersecretary Juan Miguel Cuna bilang acting secretary ng kagawaran.

Si Cuna ay unang naglingkod sa DENR bilang provincial environment and natural resources officer noong 2008, naging director mula 2010 hanggang 2015, at itinalagang assistant secretary at kalaunan ay undersecretary noong 2017.

Nagsilbi rin siyang law professor at dating opisyal ng Presidential Legislative Liaison Office.

Tiniyak ng Palasyo na maayos ang paglipat ng ng pamuanuan upang hindi maantala ang mga programa ng DENR, lalo na sa gitna ng mga isyung pangkalikasan at climate action.

Ayon pa kay Castro, si Lotilla ay hindi tinanggal sa puwesto ng pangulo kundi ay inilipat ng tungkulin.

“According to what we have heard, what Secretary Lotilla said was he preferred a lighter assignment. So that’s the information given to us,” ayon pa kay Castro.

Matatandaang si Lotilla ay unang nagsilbi bilang kalihim ng Department of Energy (DoE) bago italaga sa DENR noong 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,853 total reads

 13,853 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,451 total reads

 95,451 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,900 total reads

 128,900 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,199 total reads

 164,199 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,271 total reads

 390,271 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 13,737 total reads

 13,737 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top