Mamamayan, pinaalalahanan ng CBCP-ECHC sa sakit na TB

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 402 total reads

Pinaalalahahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Healthcare ang mamamayan na ang tuberculosis (TB), bagama’t nakahahawa, ay nagagamot at hindi dapat itago o maging dahilan ng pag-iwas sa mga pasyente.

Ayon kay CBCP-ECHC Executive Secretary, Fr. Dan Cancino, MI, kahit sino ay maaaring magkaroon ng TB, anuman ang katayuan sa buhay o lugar na pinagmumulan.

“Ang tuberculosis ay nagagamot, hindi dapat pandirihan at hindi dapat itago. Kahit sino puwedeng magkaroon ng TB — mayaman man o mahirap, taga-Luzon, Visayas o Mindanao. Lahat tayo puwedeng tamaan nito,” ayon kay Fr. Cancino.

Aminado ang pari na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso ng TB, ngunit iginiit na hindi ito dapat maging dahilan upang mawalan ng pag-asa.

Sa halip, sinabi ni Fr. Cancino, ito’y dapat magsilbing panawagan para sa sama-samang pagkilos ng bawat sektor ng lipunan upang malabanan ang sakit.

Hinimok ng pari ang publiko na magkaroon ng mataas na health-seeking behavior at agad na magpakonsulta lalo na kapag inuubo nang dalawang linggo.

“Pangalagaan natin ang ating kalusugan. Pumunta sa doktor, magpa-check-up po tayo. Kapag tayo’y inuubo ng dalawang linggo, huwag natin pabayaan. Kumonsulta sa pinakamalapit na health center,” payo ni Fr. Cancino.

Dagdag ni Fr. Cancino, kapag nagpositibo sa TB test ay dapat magpa-enroll sa treatment centers upang mabigyan ng libreng gamot mula sa pamahalaan.

Binigyang-diin ng pari na mahalaga ang tuloy-tuloy at tamang pag-inom ng gamot upang tuluyang gumaling at maiwasan ang paglala ng sakit.

“Huwag matakot lumapit at humingi ng tulong. May mga doktor at nurse na handang tumulong. Kapag tuloy-tuloy ang gamutan, babalik ang sigla, babalik ang kalusugan, at babalik ang saya ng pamilya,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health – Integrated Tuberculosis Information System (ITIS), halos 200,000 kaso ng tuberculosis ang naitala sa bansa mula Enero hanggang Hunyo 2025.

Samantala, ayon sa ulat ng World Health Organization at DOH, nakatakdang maisailalim sa TB screening ang humigit-kumulang 12 milyong Filipino pagsapit ng 2026 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa sakit.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,526 total reads

 9,526 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,962 total reads

 10,962 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,664 total reads

 23,664 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 61,042 total reads

 61,042 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 92,312 total reads

 92,312 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 168,052 total reads

 168,052 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 261,134 total reads

 261,134 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,879 total reads

 73,879 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top