Tunay na lakas ng Simbahan, nasa pagkakaisa at pag-ibig ng mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 583 total reads

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang Simbahan ay isang realidad na pawang makatao at banal na patuloy na nabubuhay sa kasaysayan ng sangkatauhan.

Sa kanyang katekesismo hinggil sa Lumen Gentium ng Second Vatican Council, ipinaliwanag ng Santo Papa ang tunay na kalikasan ng Simbahan bilang isang misteryong may dalawang dimensyong nakatuon sa pagiging makalupa at espiritwal.

Ayon kay Pope Leo, hindi maaaring maunawaan ang Simbahan kung titingnan lamang ito bilang isang institusyon o organisasyon.

“The Church is at the same time an earthly community and the mystical body of Christ, a visible assembly and a spiritual mystery,” ayon kay Pope Leo XIV.

Paliwanag ng santo papa na bagamat ang Simbahan ay binubuo ng mga taong may kahinaan at pagkakamali, dito rin ipinakikita ng Diyos ang kanyang presensya at pagkilos sa mundo.

“She is a reality that is both human and divine, which welcomes the sinful man and leads him to God,” ani Pope Leo XIV.

Nilinaw din ng Santo Papa na hindi dapat asahan ang isang Simbahang ganap at hiwalay sa mga suliranin ng mundo.

“An ideal and pure Church, separated from the earth, does not exist; only the one Church of Christ, embodied in history,” paliwanag ng Santo Papa.

Ayon pa kay Pope Leo, ang misyon ng Simbahan ay nagmumula sa plano ng Diyos para sa sangkatauhan na ipinahayag sa pagkakatawang tao ni Hesukristo.

Sa kabila ng kahinaan ng mga kasapi nito, ipinaliwanag ng Santo Papa na dito rin nakikita ang pamamaraan ng Diyos sa pagpapakita ng kanyang kapangyarihan.
“Christ’s presence and his saving action are manifested through the smallness and fragility of her members,” dagdag ni Pope Leo XIV.

Hinimok din ng Santo Papa ang mga mananampalataya na patuloy itaguyod ang Simbahan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pag-ibig.

Paalala ng pastol na ang tunay na lakas ng Simbahan ay hindi lamang nakasalalay sa mga istruktura o organisasyon nito kundi sa pamumuhay ng mga mananampalataya sa diwa ng pag-ibig at pakikipagkapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,437 total reads

 72,437 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,965 total reads

 150,965 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,413 total reads

 184,413 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,710 total reads

 219,710 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,303 total reads

 443,303 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top