Devotee’s, inaanyayahan sa Grand Isidorian Procession 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Inaanyayahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping Grand Isidorian Procession 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa patron ng mga magsasaka.

Sa pahayag ng dambana at parokya, pangungunahan nila ang taunang pagdiriwang sa March 12, 2026 kasabay ng paggunita sa ika-404 na anibersaryo ng kanonisasyon ni San Isidro Labrador.

“Sa patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa ating patron na si San Isidro Labrador, at sa pagdiriwang ng ika-404 na Anibersaryo ng kanyang Kanonisasyon, pangungunahan ng ating

Dambana at Parokya, kasama ang Hermano Mayor na si G. Hans Franco De Jesus Cruz, ang Grand Isidorian Procession 2026 sa ika-12 ng Marso 2026,” ayon sa pahayag.

Inaasahang makikiisa sa maringal na prusisyon ang mga imahen ni San Isidro Labrador mula sa iba’t ibang dambana, parokya, at pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

“Lalahukan ito ng mga imahen ni San Isidro Labrador mula sa kanyang mga dambana, parokya, at pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon,” dagdag pa ng pahayag.

Bago ang prusisyon ay magkakaroon ng banal na misa sa ganap na alas-tres ng hapon na pangungunahan ng Rektor at Kura Paroko na si Monsignor Dars Cabral, P.C., na susundan ng maringal na prusisyon bilang parangal sa santo.

Bahagi rin ng paghahanda sa pagdiriwang ang triduo sa karangalan ni San Isidro Labrador mula March 9 hanggang 11.

Si San Isidro Labrador ay isang simpleng magsasaka mula sa Madrid, Spain noong ika-12 siglo na nakilala sa kanyang matinding pananampalataya, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.

Si San Isidro ay ganap na naging banal noong 1622 sa ritong pinangunahan ni Pope Gregory XV kasama ng iba pang kilalang santo ng Simbahan na sina San Ignacio ng Loyola, Francisco Javier, Teresa ng Avila, at Felipe Neri.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang debosyon sa kanya sa iba’t ibang bahagi ng mundo, lalo na sa mga pamayanang agrikultural.

Hinihikayat naman ng dambana ang mga deboto na makiisa sa mga gawain bilang pagpapakita ng pananampalataya at pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos sa tulong ng panalangin at pamamagitan ni San Isidro Labrador.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 76,543 total reads

 76,543 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 111,316 total reads

 111,316 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,616 total reads

 146,616 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,885 total reads

 372,885 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 262,141 total reads

 262,141 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top