Sama-samang pagdarasal para sa kapayapaan sa Middle East, panawagan ng pinuno ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Nanawagan si Caritas Manila executive director Fr.Anton CT Pascual ng sama-samang pagdarasal upang mamamayani ng kapayapaan sa pusot ng bawat isa upang maiwasan ang paglala ng kahirapan.

Ang kahilingan ay ginawa ni Fr.Pascual sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Amerika at Iran na nakakaapekto sa buong middle east.

“Tayo po ay nananalangin sa Panginoon sa ngalan po ng ating Our Lady of Veritas, ito sa Veritas 846, na ang kapayapaan ay maghari sa puso ng lahat ng tao sa mundo, lalo lalo na ang mga nagpapasya at mga namumuno sa bawat bansa. Naniniwala po tayo na ang digmaan ay walang mararating na kagandahan. Sabi nga sa Ingles, in every war, there are no victors, all are victims.”panalangin ni Fr.Pascual.

Inihayag ng Pari na naninindigan ang simbahang katolika na hindi sagot ang digmaan sa mga hindi pagkakaintindihan dahil nagdudulot lamang ito ng kahirapan, pagkamatay at pagkasira nang buhay ng mga inosenteng mamamayan

Ipinagdarasal ni Fr.Pascual ang paggabay ng Panginoong sa puso ng bawat isa ngayon, higit na nararanasan ang mga sigalot sa ibat-ibang panig ng daigdig.

“Mahalin natin ang ating kaaway, makipagkasundo tayo at mag-usap ng mapayapang paraan. Sapagat si Kristo, ang prinsipe ng kapayapaan, ay nagkatamang tao, nakipamuhay sa atin, namatay, nagpakasakit at muling nabuhay upang maghari ang pag-ibig at kapayapaan ng Diyos. Nawa ito ang maging tanda at saksi ng bawat alagad ni Kristo. Peace is not the way. Peace is the only way,” ayon pa sa panalangin ni Fr.Pascual.

Naitala ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng Oxford Poverty and Human Development Initiative na malaking dahilan sa paglobo ng kahirapan ang mga digmaan.
Sa kanilang pag-aaral nakakaranas ng Multidimensional Poverty Index (MPI),1.1 bilyong katao ang dumaranas ng kahirapan dahil sa mga sigalot at digmaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 51,388 total reads

 51,388 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 98,138 total reads

 98,138 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 199,405 total reads

 199,405 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 269,590 total reads

 269,590 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 353,075 total reads

 353,075 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top