Devotee’s, inaanyayahan sa Grand Isidorian Procession 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total reads

Inaanyayahan ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping Grand Isidorian Procession 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa patron ng mga magsasaka.

Sa pahayag ng dambana at parokya, pangungunahan nila ang taunang pagdiriwang sa March 12, 2026 kasabay ng paggunita sa ika-404 na anibersaryo ng kanonisasyon ni San Isidro Labrador.

“Sa patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa ating patron na si San Isidro Labrador, at sa pagdiriwang ng ika-404 na Anibersaryo ng kanyang Kanonisasyon, pangungunahan ng ating

Dambana at Parokya, kasama ang Hermano Mayor na si G. Hans Franco De Jesus Cruz, ang Grand Isidorian Procession 2026 sa ika-12 ng Marso 2026,” ayon sa pahayag.

Inaasahang makikiisa sa maringal na prusisyon ang mga imahen ni San Isidro Labrador mula sa iba’t ibang dambana, parokya, at pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

“Lalahukan ito ng mga imahen ni San Isidro Labrador mula sa kanyang mga dambana, parokya, at pamayanan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon,” dagdag pa ng pahayag.

Bago ang prusisyon ay magkakaroon ng banal na misa sa ganap na alas-tres ng hapon na pangungunahan ng Rektor at Kura Paroko na si Monsignor Dars Cabral, P.C., na susundan ng maringal na prusisyon bilang parangal sa santo.

Bahagi rin ng paghahanda sa pagdiriwang ang triduo sa karangalan ni San Isidro Labrador mula March 9 hanggang 11.

Si San Isidro Labrador ay isang simpleng magsasaka mula sa Madrid, Spain noong ika-12 siglo na nakilala sa kanyang matinding pananampalataya, kababaang-loob, at malasakit sa kapwa lalo na sa mga mahihirap.

Si San Isidro ay ganap na naging banal noong 1622 sa ritong pinangunahan ni Pope Gregory XV kasama ng iba pang kilalang santo ng Simbahan na sina San Ignacio ng Loyola, Francisco Javier, Teresa ng Avila, at Felipe Neri.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang debosyon sa kanya sa iba’t ibang bahagi ng mundo, lalo na sa mga pamayanang agrikultural.

Hinihikayat naman ng dambana ang mga deboto na makiisa sa mga gawain bilang pagpapakita ng pananampalataya at pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos sa tulong ng panalangin at pamamagitan ni San Isidro Labrador.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 13,838 total reads

 13,838 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,025 total reads

 52,025 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,235 total reads

 70,235 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 154,563 total reads

 154,563 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,262 total reads

 191,262 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,810 total reads

 1,810 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top