Mining Hell Week, inilunsad ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 397 total reads

Muling inilunsad ng Alyansa Tigil Mina ang “Mining Hell Week” kasama ang mga lider ng limang komunidad na nagtayo ng barikada laban sa pagmimina upang igiit ang pagpapatigil sa mapaminsalang operasyon ng pagmimina at kanselahin ang mga permit ng mga kumpanya.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, layunin ng pagpunta ng mga lider sa Maynila na maiparating sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang panawagang kanselahin ang mga umiiral na mining permit sa kanilang mga lugar.

“By coming to Manila, the leaders are essentially bringing their barricades to the city, hoping the DENR will urgently address their complaints and cancel existing mining permits,” pahayag ni Garganera.

Ibinahagi ng mga lider mula sa MacArthur, Leyte; Sibuyan Island, Romblon; Homonhon Island at Manicani Island sa Eastern Samar; at Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang kanilang patuloy na pagbabantay at pagtatayo ng mga barikada upang pigilan ang operasyon ng pagmimina na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng komunidad.

Iginiit ng mga residente na dapat kanselahin ng DENR ang mga permit ng mga kumpanyang sangkot sa pagmimina dahil sa paglabag sa mga batas pangkalikasan at kakulangan ng maayos na konsultasyon sa mga apektadong mamamayan.

Kasabay ng paglulunsad ng Mining Hell Week, inilabas din ng ATM ang ulat na “UnderMining Rights: Mining-Induced Human Rights Violations and Environmental Destruction,” na tumatalakay sa mga paglabag sa karapatang pantao at pagkasira ng kalikasan dulot ng malawakang pagmimina.

Pinuna rin ni Garganera ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa mas agresibong pagsusulong ng malakihang pagmimina na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan at sa mga pamayanan.

“We also hope that through this report, the various issues concerning mining-affected communities, particularly human rights violations and abuses, will be surfaced and eventually addressed,” ayon kay Garganera.

Isasagawa ang Mining Hell Week mula March 9 hanggang 14, 2026 na may temang “Baha ng Mina, Barikada ang Depensa!”, tampok ang serye ng mga gawain at pagkilos sa pambansa at lokal na antas na magbibigay-diin sa mga panawagan at pakikibaka ng mga komunidad na apektado ng pagmimina.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 10,786 total reads

 10,786 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,121 total reads

 12,121 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 25,726 total reads

 25,726 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,104 total reads

 63,104 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,374 total reads

 94,374 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 169,952 total reads

 169,952 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 262,939 total reads

 262,939 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,969 total reads

 73,969 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top