Agarang renewable energy transfer, panawagan ng simbahan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 350 total views

Nanawagan ang simbahan at mga makakalikasang grupo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro na pabilisin ang paglipat sa renewable energy kasunod ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya dahil sa pandaigdigang kakulangan sa langis.

Sa ilalim ng isang Executive Order, ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan ang pansamantalang compressed workweek o mas maikling linggo ng trabaho sa mga kawani ng pamahalaan at iba pang hakbang sa pagtitipid ng enerhiya.
Ayon kay Fr. Edwin Gariguez, pinuno ng social action arm ng Apostolic Vicariate of Calapan at convenor ng Protect the Verde Island Passage Network, mahalagang hakbang ang pagtitipid ngunit kailangan ding tugunan ang mas malalim na suliranin sa enerhiya.

Batay sa mga ulat, maaaring tumaas ang halaga ng kuryente sa mga off-grid o lugar na hindi konektado sa pangunahing linya ng kuryente na umaasa sa diesel kung patuloy na tataas ang presyo ng langis.

“As long as island provinces depend heavily on imported fossil fuels for electricity, communities will remain vulnerable to global crises that are beyond our control,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Noong 2023, idineklara ng pamahalaang pan lalawigan ang Oriental Mindoro bilang tagapagtaguyod ng malinis at renewable energy at inatasan ang pagbuo ng Provincial Power and Energy Council.
Ayon naman kay Atty. Avril De Torres, Deputy Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), matagal nang kinikilala ng lalawigan ang kahalagahan ng renewable energy, ngunit kailangan nang pabilisin ang pagpapatupad nito.

“What is needed now is to accelerate implementation so that communities can benefit from affordable, reliable, clean energy. Distributed systems like solar rooftops are, at this time, not just a strategic long-term endeavor, but an immediately deployable solution that can cushion the impacts of the crisis for communities in Mindoro and throughout the country,” ayon kay de Torres.

Dagdag naman ni Fr. Gariguez, makatutulong ang pagtalikod sa fossil fuels upang mapangalagaan ang Verde Island Passage, na may pinakamayamang marine biodiversity sa mundo, at kabuhayan ng mga pamayanan sa baybayin.

“Energy conservation is an important immediate step, but the long-term solution for Mindoro is a full transition toward renewable energy so that we provide electricity that becomes truly mura, maaasahan, at malinis for every Mindoreño,” dagdag pa ni Fr. Gariguez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 149,149 total views

 149,149 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 179,373 total views

 179,373 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,019 total views

 206,019 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 300,992 total views

 300,992 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 312,266 total views

 312,266 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top