Climate change, malalim na hamong moral at espiritwal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Binigyang-diin ni Federation of Asian Bishops’ Conferences President, Felipe Neri Cardinal Ferrao, na ang pagbabago ng klima ay hindi lamang usapin ng kalikasan kundi isang malalim na hamong moral at espiritwal.

Ayon sa kardinal, ramdam sa Asya ang malawakang epekto ng krisis sa klima, mula sa tumataas na dagat at natutunaw na mga glacier, hanggang sa mas matitinding bagyo, baha, at heatwave, na nag-iiwan ng mga komunidad na nawawalan ng tahanan, pagkain, at malinis na tubig, habang lalo pang lumalala ang kahirapan.

“The climate crisis is not only an environmental issue. It is a question of justice, human dignity, and care for our common home… Those who suffer most must be placed at the center of any response,” pahayag ni Cardinal Ferrao.

Igiiniit ng pangulo ng FABC na ang Asya, na tahanan ng higit sa kalahati ng populasyon ng mundo, ay ang pinakamapanganib na rehiyon laban sa iba’t ibang sakuna at kalamidad.

Inihalimbawa ni Cardinal Ferrao ang coastal at delta areas sa Bangladesh, Vietnam, Pilipinas, at Indonesia, na nahaharap sa mabilis na pagtaas ng dagat at pag-urong ng lupa, habang ang pag-urong naman ng mga glacier sa Hindu Kush at Tibetan Plateau ay nagpapataas ng panganib ng baha at kakulangan sa tubig dulot ng pag-init ng kapaligiran.

Gayunman, binigyang-diin ng kardinal na ang Asya ay puno rin ng pag-asa, kung saan halos kalahati ng bagong renewable energy capacity sa buong mundo ay nagmumula sa kontinente.

Binigyang-pansin ni Cardinal Ferrao ang antas ng lokal na komunidad, kung saan isinusulong ang pagpapanumbalik at pangangalaga sa kapaligiran, na madalas ay pinangungunahan ng mga katutubong kababaihan.

“At the grassroots level, communities are restoring mangroves, managing watersheds, and practicing agroecology—often led by women—strengthening resilience while honoring local and Indigenous knowledge,” saad ni Cardinal Ferrao.

Kaisa ng FABC at ng mga simbahan sa Global South, mariing nanawagan ang kardinal sa mga pamahalaan, institusyon at mamamayan na kilalanin na ang krisis sa klima ay pangunahing usapin ng katarungan, dignidad ng tao, at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“One that demands solidarity with the most vulnerable and a path of hope and conversion,” ayon kay Cardinal Ferrao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,568 total reads

 39,568 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,661 total reads

 119,661 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,109 total reads

 153,109 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,407 total reads

 188,407 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,438 total reads

 413,438 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,544 total reads

 156,544 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top