Pagiging boses ng mga magsasaka, tiniyak ng isang opisyal ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 453 total reads

Iginiit ng isang opisyal ng Simbahan ang patuloy na paninindigan nito na maging boses ng mga magsasaka sa gitna ng iba’t ibang suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Msgr. Dario Cabral, rector at parish priest ng Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Pulilan Bulacan sa pagdiriwang ng ika-404 na anibersaryo ng kanonisasyon ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka, kung saan hinikayat ang higit na pagkilala sa dignidad at ambag ng mga nagbubungkal ng lupa.

Ayon kay Msgr. Cabral, mahalagang maipahayag ang hinaing ng mga magsasaka na kadalasang hindi naririnig sa lipunan.

“Kadalasan ang mga magsasaka, mahina ang boses niyan eh. Siguro dahil pagod na o dahil maliit ang tingin sa sarili… Kaya mayroong simbahan na nagsasalita,” pahayag ni Msgr. Cabral sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng pari na kamakailan lamang ay nagsagawa ng ikalawang Farmers Congress ang kanilang dambana kung saan nagtipon ang mga magsasaka upang talakayin ang mga hamon sa kanilang sektor at makabuo ng mga resolusyon na maaring pagtulungan ng pamahalaan at ng Simbahan.

Kabilang sa mga pangunahing isyung inilahad ng mga magsasaka ang patuloy na pagliit ng mga lupang sakahan dahil sa land conversion.

“Ang pinagproblema namin dito ay yung pagliit ng mga taniman dahil merong land conversion, ginagawa ang mga warehouse, at nawawala ang taniman,” ani Msgr. Cabral.

Dagdag pa niya, isa sa mga panukalang nabuo sa naturang kongreso ay ang mas aktibong papel ng pamahalaan sa pagbili ng palay at bigas upang matiyak ang patas na presyo para sa mga magsasaka.

“Kung maaari sana, ang bumili na ng palay at bigas ay ang gobyerno, the local government, para yung kanilang presyo ang magko-control, hindi yung mga business people. Kaya tuloy ang kumikita ng malaki ay ang mga nasa business, pero sila’y baon pa rin sa utang,” paliwanag ni Msgr. Cabral.

Iginiit ng pari na nararapat lamang na higit na suportahan ang mga magsasaka dahil sila ang pangunahing katuwang sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain ng mamamayan.

“Kasi sila ang nagpapakain sa atin, sila ang nagugutom,” ani ng pari.

Kasabay nito, binigyang-diin din ng pari ang kahalagahan ng pananampalataya sa pang-araw-araw na gawain ng mga magsasaka, na siyang ipinapakita sa halimbawa ni San Isidro Labrador.

“Ang kabanalan ay hindi lang natatagpuan sa simbahan. Natatagpuan ito sa ating araw-araw na buhay. Kung ikaw ay manggagawa sa bukid, ang kabanalan ay nasa bukid,” pahayag ni Msgr. Cabral.

Dagdag pa niya, ang pagsasabuhay ng kabanalan sa pang-araw-araw na gawain ay isa ring paraan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita.

Sa huli, nanawagan ang pari sa mga magsasaka na ipagpatuloy ang kanilang mahalagang misyon sa lipunan habang iniaalay ang kanilang gawain sa Diyos.

“Nananawagan kami sa lahat ng mga magsasaka na isabuhay ang tawag ng kabanalan… Dahil sa kabanalan nito, magiging katuwang tayo ng mga nagugutom at nangangailangan,” dagdag ng pari.

Sa kasaysayan ng Simbahan, si San Isidro Labrador ay isang simpleng magsasaka mula sa Madrid, Spain noong
ika-12 siglo na naging kilala sa kanyang malalim na pananampalataya at debosyon sa Diyos habang nagbubungkal ng lupa.

Itinuturing siyang patron ng mga magsasaka dahil sa kanyang halimbawa ng kabanalan sa gitna ng pang-araw-araw na gawain sa bukid.

Noong March 12, 1622 ginawang santo si San Isidro ni Pope Gregory XV kasabay nina St. Ignatius of Loyola, St. Francis Xavier, St. Teresa of Ávila at St. Philip Neri sa tinaguriang “Canonization of the Five Saints.”

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,605 total reads

 12,605 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 13,798 total reads

 13,798 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 28,544 total reads

 28,544 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 65,921 total reads

 65,921 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 97,191 total reads

 97,191 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 172,597 total reads

 172,597 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 265,447 total reads

 265,447 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 12,606 total reads

 12,606 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top