Mahalagang tungkulin ng kababaihan sa pagtataguyod ng climate justice, kinilala ng Caritas Internationalis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Binibigyang-diin ng mga tagapagtaguyod ng climate justice ang mahalagang tungkulin ng kababaihan sa mga bansa sa Global South, kabilang ang mga nasa Asia, Africa, Latin America, at mga pulo sa Pacific Ocean, sa gitna ng lumalalang krisis sa klima.

Ayon kay Caritas Internationalis’ Regional Jubilee Program Lead for Asia Jing Rey Henderson, bagamat kabilang ang kababaihan sa higit na naaapektuhan ng mga sakunang dulot ng pagbabago ng klima, sila rin ay mahalagang puwersa sa pagpapatatag at pagbangon ng mga pamayanan.

Ipinaliwanag ni Henderson na dahil sa umiiral na hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, mas mabigat ang pasaning dinaranas ng kababaihan tuwing may kalamidad.

Bukod sa paghahanap ng tubig at pagkain para sa pamilya, kadalasan din silang inaasahan na alagaan ang mga nasugatan at nawalan ng tahanan matapos ang sakuna.

“Women are not just victims of climate crises—they are catalysts for change. Their leadership, knowledge, and resilience are essential to building communities that can adapt and thrive in the face of disasters,” ayon kay Henderson.

Sa kabila nito, kinikilala ang mahalagang kaalaman ng kababaihan sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na sa mga kanayunan at katutubong pamayanan kung saan sila ang nag-aalaga sa agrikultura, mga binhi, at biodiversity.

Isa sa mga halimbawa ng pamumuno ng kababaihan sa pangangalaga ng kalikasan ang Chipko Movement sa India, kung saan pinangangalagaan ng mga kababaihan ang mga kagubatan laban sa pagputol ng mga puno.

Iginiit ni Henderson na mahalagang isama ang kababaihan sa pagbuo ng mga polisiya at programa sa klima upang higit na mapatatag ang kakayahan ng mga komunidad na harapin ang mga hamon ng pagbabago ng klima.

“Empowering women is not optional—it is central to creating sustainable, just, and resilient communities across the Global South,” saad ni Henderson.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,673 total reads

 75,673 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,528 total reads

 110,528 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,828 total reads

 145,828 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,097 total reads

 372,097 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,385 total reads

 261,385 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,023 total reads

 155,023 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top