Pagpapaigting sa mga hakbang laban sa pang-aabuso, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,090 total reads

Nanawagan si Pope Leo XIV sa buong simbahan na higit pang paigtingin ang mga hakbang laban sa pang-aabuso at tiyaking mapangangalagaan ang mga bata at mga taong nasa mahihinang kalagayan.

Sa pulong ng Pontifical Commission for the Protection of Minors sa Vatican City, binigyang-diin ng Santo Papa na ang pag-iwas sa pang-aabuso ay hindi lamang usapin ng mga patakaran kundi bahagi ng tunay na misyon ng Simbahan.

Ayon kay Pope Leo, kinakailangang mabuo sa buong Simbahan ang isang kultura ng pangangalaga kung saan karaniwang tungkulin ng bawat komunidad ang pangangangalaga sa mga menor de edad at mga taong nasa panganib.

“It is a demanding service, sometimes silent, often burdensome, but one which, is essential for the life of the Church and for the building of an authentic culture of care,” ayon sa mensahe ni Pope Leo XIV.

Iginiit din ng pinunong pastol na ang tungkulin ng mga pinuno ng Simbahan na alagaan ang mga biktima at hindi maaaring ipasa o ipagkatiwala lamang sa iba.

Dagdag pa niya, “to remind the whole Church that the prevention of abuse is not an optional task, but a constitutive dimension of the mission of the Church.”

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pakikinig sa mga biktima at mga nakaligtas sa pang-aabuso, na mahalaga upang mailantad ang katotohanan at makapagbukas ng landas tungo sa paghilom at pagbabago sa loob ng Simbahan.

Hinimok din ng Santo Papa ang komisyon na patuloy na tulungan ang mga lokal na simbahan sa buong mundo, lalo na sa mga lugar na kulang sa kakayahan at kaalaman upang maiwasan ang pang-aabuso.

Ayon pa kay kay Pope Leo, ang pagprotekta sa mga bata at mahihinang sektor ay hindi hiwalay na gawain kundi mahalagang bahagi ng pastoral na misyon, pamamahala at paghubog ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

“The protection of minors and persons in vulnerable situations is not an isolated area of ecclesial life, but a dimension that permeates pastoral care, formation, governance, and discipline,” giit pa ni Pope Leo XIV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,463 total reads

 28,463 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,414 total reads

 65,414 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,625 total reads

 83,625 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,953 total reads

 167,953 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,029 total reads

 204,029 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top