Nurse Susie roadshow, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total reads

Inilunsad ang “Nurse Susie” Roadshow ngayong Women’s Month upang isulong ang kampanya para sa mas toxics-free hospitals at wastong pamamahala ng healthcare waste sa bansa.

Ipinakilala ang bagong mascot sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC), upang magsilbing simbolo ng adbokasiya para sa waste minimization, responsableng pamamahala ng medical waste, at pagpapatupad ng sustainable practices sa mga ospital.

Si Nurse Susie ay kumakatawan sa Toxics-Free Hospital Campaign ng Philippine Healthcare and Mercury Wastes Management Project na pinangungunahan ng United Nations Industrial Development Organization katuwang ang Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau at BAN Toxics.

Ayon kay BAN Toxics Deputy Executive Director Jam Lorenzo, na siya ring Project Manager ng Healthcare Waste Management, mahalagang kilalanin ang tungkulin ng kababaihan sa sektor ng kalusugan dahil sila ang bumubuo sa malaking bahagi ng workforce at mas nalalantad sa panganib ng hazardous waste.

“We chose Nurse Susie as the central character of our campaign because women represent more than 70% of the health profession worldwide. Women are at the frontlines and are always at risk of being exposed to the dangers of hazardous healthcare waste. Introducing her to the public this Women’s Month also serves as recognition of the important role of women in protecting public health and the environment,” pahayag ni Lorenzo.

Ipinakita rin sa programa ang resulta ng waste audit sa ilang ospital kung saan lumabas na nangingibabaw ang plastic waste—77% sa Cagayan Valley Medical Center, 78% sa Eastern Visayas Medical Center, at 84% sa QMMC—na karamihan ay mula sa single-use medical at consumer items.

Binigyang-diin ng mga tagapagpatupad ng proyekto ang pangangailangang bawasan ang paggamit ng plastik at palawakin ang paggamit ng reusable na kagamitan tulad ng PPE o personal protective equipment at medical textiles upang maiwasan ang paglabas ng nakalalasong kemikal.

“Plastic waste is a potential source of toxic chemicals in the environment, and when burned, can emit unintentional persistent organic pollutants (UPOPs) such as dioxins and furans,” ayon kay Lorenzo.

Kasabay nito, inilunsad ang “4Cs” campaign—Change old habits, Cut plastics, Commit to reuse, at Champion sustainability—bilang gabay sa mga ospital tungo sa mas responsableng waste management.

Magpapatuloy ang Nurse Susie Roadshow sa iba’t ibang ospital sa bansa, kabilang ang susunod na gawain sa Eastern Visayas Medical Center sa Marso 25, 2026 at sa Cagayan Valley Medical Center sa Abril.

Ipinapaalala ng Simbahan na ang pangangalaga sa kalusugan at kalikasan ay isang pananagutang moral na nagpapakita ng malasakit sa kapwa at paggalang sa sangnilikha ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 67,057 total reads

 67,057 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,743 total reads

 162,743 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 207,011 total reads

 207,011 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 230,120 total reads

 230,120 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 302,240 total reads

 302,240 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,330 total reads

 146,330 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top