QUEEN, nababahala sa Atimonan coal-fired power plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 458 total views

Labis ang pagkabahala ng Quezon for Environment (QUEEN) sa mabilis na pagsusulong ng panukalang 1,200-megawatt Atimonan coal-fired power plant, na matagal nang tinutulan ng mga komunidad sa loob ng higit isang dekada.

Ayon sa grupo, hindi makatwiran ang proyekto sa gitna ng lumalalang krisis sa klima at pandaigdigang tensyon na direktang nakakaapekto sa mga mamamayan, konsyumer, at mga bulnerableng sektor.

Binanggit ng QUEEN na sa kasalukuyang heopolitikal na sigalot sa Middle East, kabilang ang digmaan ng Amerika-Israel at Iran, tumataas ang presyo ng petrolyo at iba pang produktong enerhiya, na kaakibat ng galaw ng ekonomiya ng maraming bansa.

“Hindi barko o cargo vessel ang nagpapasan ng gatong, kundi ang bulsa ng walang choice na mga konsyumer,” pahayag ng grupo.

Dagdag pa rito, 67-porsyento ng enerhiya ng bansa ay nagmumula sa maruming fossil fuels tulad ng coal, oil, at gas, dahilan kung bakit kabilang ang Pilipinas sa may pinakamahal na kuryente sa Asya.

Binigyang-diin ng QUEEN ang panganib ng polusyon mula sa coal plant, kabilang ang epekto ng pagmimina, transportasyon, at pagsusunog ng maruming gatong, na ayon sa grupo ay matagal nang napatunayan sa pamamagitan ng science-based at citizen science studies na nagdudulot ng pangmatagalang pinsala sa lupa, hangin, at karagatan.

Binanggit din ng grupo na ang sunod-sunod na bagyo at super typhoons sa bansa ay malinaw na palatandaan ng krisis sa klima.

“Wala tayong mabigat na karapatang maghangad ng kaligtasan mula sa krisis na ito kung tayo mismo ang gumagatong dito,” ayon sa QUEEN.

Nanawagan ang grupo sa mga lokal at lalawigang opisyal na unahin ang kapakanan ng mamamayan, mangingisda, magsasaka, at kalikasan kaysa sa interes ng negosyo.

Ipinahayag din nila ang suporta sa ordinansang magbabawal sa panibagong coal plant at magreregula sa mga lumang pasilidad sa lalawigan, tungo sa isang ligtas, makatao, at makakalikasang enerhiya.

“Kaugnay ng pagsusulong ng ilang opisyales sa mga munisipalidad at lalawigan ng Quezon ng nakamamatay na pasilidad ng coal sa Atimonan, ano ang inyong tuntungang moral at sino na nga ba ang inyong ipinaglalaban?,” saad ng QUEEN.

Sa Laudato Si’, nanawagan si Pope Francis sa mga mambabatas na bumuo ng mga patakarang magtataguyod ng paggamit ng renewable energy kapalit ng fossil fuel, upang mabawasan ang polusyon at mapaminsalang emissions.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 147,457 total views

 147,457 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 177,681 total views

 177,681 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 204,327 total views

 204,327 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 299,300 total views

 299,300 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 310,675 total views

 310,675 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top