National Conference of Youth Ministers 2026, itinakda ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) ang pagsusulong ng mas pinalalim na diwa ng synodality at aktibong pakikilakbay sa kabataang Pilipino sa gaganaping National Conference of Youth Ministers (NCYM) 2026.

Ayon sa komisyon, isasagawa ang NCYM mula August 18 hanggang 22, 2026 sa Diocese of Kidapawan sa Mindanao.
“NCYM 2026 aims to promote and foster the Spirit of Synodality among youth ministers, equipping them to walk alongside Filipino youth,” ayon sa pahayag ng CBCP-ECY.

Iginiit ng komisyon na higit pa sa isang pagtitipon ang NCYM 2026 sapagkat layunin nitong pagtibayin ang ugnayan ng mga diyosesis at palakasin ang kakayahan ng mga youth ministers sa pagtugon sa pangangailangan ng kabataan.
“More than a meeting, NCYM strengthens relationships among dioceses and equips youth ministers to respond more compassionately and effectively to the real needs and hopes of the young people they serve,” dagdag pa ng komisyon.
Ipinaliwanag din ng CBCP-ECY na magsisilbing mahalagang espasyo ang pagpupulong para sa sama-samang paghubog at pakikipagtulungan ng mga lingkod-kabataan mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“It serves as a shared space where diocesan youth directors and official delegates come together not only as coordinators of programs, but as fellow pastoral workers committed to the care and formation of the young,” saad ng komisyon.

Nakaugat ang pagpupulong sa pananaw ng Simbahan para sa kabataan, partikular sa Apostolic Exhortation na Christus Vivit, kung saan layon nitong magbigay ng makabuluhang kapaligiran para sa formation, fellowship, at collaboration.

Sa pamamagitan ng capacity-building sessions, issue-based lectures, at practical workshops, inaasahang mas mapalalalim ang kakayahan at malinaw na direksyon ng mga youth ministers sa kanilang misyon.
Bahagi rin ng inspirasyon ng pagtitipon ang tema ng Jubilee Year 2025 na “Pilgrims of Hope,” na inaasahang maghuhubog sa mga kabataang lingkod bilang mga tagapaghatid ng pag-asa at instrumento ng pagbabago sa lipunan.

Kabilang sa mga layunin ng NCYM 2026 ang pagpapalalim ng pagkakakilanlan ng mga youth ministers bilang mga alagad ni Kristo, paghuhubog sa kanila bilang mga magigiting na saksi ng pananampalataya sa kasalukuyang panahon, at pagpapalakas upang maging mga tagapaghatid ng pag-asa at pagbabago.

Tema ng NCYM 2026 ang “Chosen as Witness! Bearers of Hope” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan (Jn 15:27).
Inaanyayahan ng CBCP-ECY ang mga arkidiyosesis, diyosesis, prelatura, bikaryato, at mga kasapi ng Federation of National Youth Organizations (FNYO) na magpadala ng tig-tatlong kinatawan sa pagtitipon.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa ECY Secretariat sa 0917-8536792 o sa email na [[email protected]] (mailto:[email protected]). Maaari ring makipag-ugnayan sa Commission on Youth ng Diocese of Kidapawan sa 0947-7633411 o 0960-6460697, o sa email na [[email protected]] (mailto:[email protected]).

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,319 total reads

 9,319 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,770 total reads

 10,770 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 23,137 total reads

 23,137 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 60,515 total reads

 60,515 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 91,785 total reads

 91,785 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 167,652 total reads

 167,652 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,753 total reads

 260,753 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 9,320 total reads

 9,320 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top