Epekto ng mataas na presyo ng langis, hindi maaring ipasa sa mga mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total reads

Nanindigan ang mga misyonerong Franciscano na hindi dapat ipasa sa mahihirap ang bigat ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin.

Panawagan ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, minister provincial ng OFM Province of San Pedro Bautista sa pamahalaan at pribadong sektor na umaksyon nang may pananagutan at malasakit.

Binigyang-diin ng pari na matagal nang pasan ng mahihirap ang matinding paghihigpit sa kanilang kabuhayan.

“It is not the poor who must tighten their belts. There is nothing more to tighten. What remains is hunger, exhaustion, and silent suffering,” ayon kay Fr. Redoblado.

Tinuligsa ng pari ang panawagang lalo pang magtipid ang mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“To ask more from them is not only unrealistic—it is deeply unjust and heartless,” dagdag pa ni Fr. Redoblado.

Iginiit ni Fr. Redoblado na dapat managot ang mga sektor na patuloy na kumikita nang labis sa kabila ng naranasang matinding krisis at iginiit na ang patuloy na paglago ng kita habang naghihirap ang nakararami ay hindi lamang usaping pang-ekonomiya.

“It is those who continue to earn excessive profits, even in times of crisis, who must be the first to ‘tighten their belts. Profit that grows while the poor suffer is not simply an economic issue—it is a moral failure,” paliwanag ng pari.

Nanawagan din si Fr. Redoblado sa pamahalaan na akuin ang pananagutan sa gitna ng mga ulat ng korapsyon at kakulangan sa agarang tugon sa krisis.

“Now is the time to say: ‘We are sorry… Indifference in the face of suffering is itself a grave injustice. Failure to act swiftly is not neutrality—it is complicity,” giit pa ng pari.

Iginiit din ng pari na ang paglilingkod sa bayan ay isang bokasyon para maglingkod sa kapwa sa halip na sa pansariling interes.

“Public office is a vocation to serve, not an opportunity to enrich oneself,” aniya.
Kasabay nito, pinaalalahanan ang sektor ng negosyo laban sa pananamantala sa sitwasyon at nanawagan ng agarang pagkilos at pagbabalik-loob.

“Do not exploit this crisis by imposing exorbitant and unjustified increases in the prices of basic commodities… Enough. The time is now… Let justice be done,” ayon kay Fr. Redoblado.

Simabi ng pari na ang tunay na tugon sa krisis ay hindi lamang nakasalalay sa polisiya kundi sa pagkilala sa dignidad ng bawat tao.

“For the cry of the poor is the voice of God Himself—and to ignore it is to harden our hearts against Him,” aniya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 54,360 total reads

 54,360 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,792 total reads

 133,792 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 167,237 total reads

 167,237 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 202,535 total reads

 202,535 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,886 total reads

 426,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top