Kultura ng sama-samang pagdarasal tuwing alas-sais ng gabi, ibalik ngayong Kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,703 total reads

Ang panahon ng Kuwaresma ang isang magandang pagkakataon at opurtunidad upang muling mapalapit sa Diyos.

Ito ang panawagan ni Diocese of Sorsogon Bishop Arturo Bastes – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mission sa bawat mananampalataya bilang paghahanda sa Semana Santa.

Ayon sa Obispo, isang magandang opurtunidad ang Kuwaresma upang mas mapalalim pa ang pananampalataya at personal na relasyon sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin sa harap ng Banal na Sakramento at taimtim na pagrorosaryo.

Bukod dito, binigyang diin rin ni Bishop Bastes na isa rin itong pagkakataon upang muling maibalik ang magandang tradisyon ng pamilyang Pilipino na sama-samang pananalangin tuwing alas-sais ng gabi.

“First prayer, be close to God, take some time to adore the Blessed Sacrament, take some time to pray the rosary silently and especially a family prayer, let us go back to the beautiful tradition of the Filipinos that every 6 o’clock in the evening the whole family is gathered in prayer, it is very important…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radio Veritas.

Samantala, bukod sa pagpapalalim ng pananampalataya sa Panginoon ay una na ring ipinaalala ni Nueva Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, National Director ng CBCP NASSA / Caritas Philippines na ang kuwaresma ay panahon ng pag-aayuno at pagtulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga dukha at mga biktima ng iba’t ibang trahedya.

Read: http://www.veritas846.ph/pagtulong-sa-mga-nangangailangan-diwa-ng-kuwaresma/

Kabilang na sa mga pangunahing programa ng Simbahan tuwing Kwaresma ang Alay Kapwa na nagsisilbing pondo para sa pagtulong sa mga biktima ng ibat-ibang sakuna at kalamidad.

At ang Fast to Feed Program ng Hapag-Asa Feeding Program ng Pondo ng Pinoy na kumakalinga at tumutugon sa malnourished at nagugutom na mga kabataan na tinatayang aabot na sa higit 1.5-milyong kabataan ang natulungan mula ng ilunsad noong 2005.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 92,220 total reads

 92,220 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 169,417 total reads

 169,417 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,865 total reads

 202,865 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 238,164 total reads

 238,164 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 461,108 total reads

 461,108 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top