CMSP-JPICC, nakikiisa sa Kalampag laban sa mataas na presyo ng langis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines – Justice, Peace and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) sa isinagawang “Kalampag Laban sa Mataas na Presyo, Kahirapan, Pandarambong at Dinastiya” na ginanap sa Quezon City.

Ayon sa grupo, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay may direktang epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan, kabilang ang pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan at serbisyo sa merkado.

Binigyang-diin ng CMSP–JPICC na higit na naaapektuhan ng krisis ang mga manggagawa at maralitang sektor na napipilitang magbawas ng konsumo at lalong nalulubog sa kahirapan.

“Kinilala namin na ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay may direktang epekto sa araw-araw na buhay ng mamamayan. Ang pagtaas nito ay kaakibat ng pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa ganitong kalagayan, lalong nabibigatan ang mga manggagawa, ang mga pamilya ay napipilitang magbawas ng konsumo, at ang mga mahihirap ay higit na nalulubog sa kahirapan.” Bahagi ng pahayag ng CMSP–JPICC.

Partikular ding inihayag ng CMSP–JPICC na ang usapin ng mataas na presyo ay may kaugnayan sa karapatan sa sapat na pagkain, disenteng kabuhayan, at marangal na pamumuhay, kaya’t kinakailangan ang pananagutan at konkretong hakbang mula sa pamahalaan

Kaugnay nito, muling iginiit ng grupo ang paninindigan ng Simbahan bilang tinig ng katarungan at habag sa lipunan.

“Malinaw para sa amin: ang krisis sa langis ay isang krisis sa karapatang pantao. Ito ay usapin ng karapatan sa sapat na pagkain, disenteng kabuhayan, at marangal na pamumuhay. Sa harap ng ganitong sitwasyon, kinakailangan ang pananagutan at mga konkretong hakbang na tunay na naglalagay sa kapakanan ng mamamayan sa sentro ng mga patakaran at desisyon.” Dagdag pa ng grupo.

Kabilang sa mga panawagan na sinusuportahan ng grupo ang pagsuspinde ng excise tax sa langis, pagrepaso o pagbabasura ng Oil Deregulation Law, pananagutan ng mga kumpanyang inaakusahan ng pag-abuso sa presyo, at pagbibigay ng agarang ayuda sa mga apektadong sektor.

Isinusulong din ng grupo ang pagtugon sa ugat ng kahirapan, kabilang ang korapsyon at dinastiyang pampulitika.

Ayon sa CMSP–JPICC, ang pakikiisa ng grupo ay pagpapahayag rin ng pananampalataya na ang katarungan ay kaakibat ng Ebanghelyo at ang pagtatanggol sa dignidad ng tao ay mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan.

Bukod dito, muli ring nanindigan ang grupo kasama ng mamamayan para sa katarungan, dignidad, at kinabukasan ng bawat Pilipino sa gitna ng umiiral na krisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 23,323 total reads

 23,323 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 59,904 total reads

 59,904 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 113,739 total reads

 113,739 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 176,237 total reads

 176,237 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 243,988 total reads

 243,988 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 2,150 total reads

 2,150 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top