Pag-angat ng Kasanayan ng Mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,034 total reads

Kapanalig, ang edukasyon ay mahalaga. Ito ay isang daan labas ng kahirapan.
Sa ating bayan nga lamang kapanalig, medyo limitado ang depinisyon ng edukasyon. Marami sa atin ay naniniwalang ang edukasyon ay lagi dapat pormal. Hindi bukas ang marami sa atin sa konsepto ng paglilinang ng kasanayan o bokasyonal na edukasyon.
Kaya’t hindi nakakapagtataka na malaki ang skills mismatch sa ating bansa. Kung titingnan ang labor market ngayon, maraming mga graduates ang walang trabaho at maraming trabaho ang kulang sa mga aplikante habang sa ibang posisyon, milya milya ang haba ng mga aplikante. Noong nakaraang taon, tinatayang mga 1.2 million na graduates ang hindi agad nakakuha ng trabaho dahil sa job mismatch.
Ayon sa Labor Market Information Report ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula 2013 to 2020, 275 na trabaho ang in-demand habang may 102 naman ang mahirap malagyan ng tao.
Ang mga ganitong sitwasyon ay maaring maiwasan kung ang ating lipunan ay mas bibigyang pansin ang paglilinang ng kasanayan kasabay ng pagsasa-ayos ng pormal na edukasyon. Ang mataas na investment sa skills development ay isang mainam na paraan upang maiwaksi ang kahirapan sa bayan at matugunan ang isyu ng hindi pagkapantay-pantay ng lipunan.
Sa ngayon kasi kapanalig, marami ang nais makakuha ng diploma ngunit dahil sa hirap na buhay, kaunti lamang ang nakakapagtapos ng pormal na edukasyon. Kung walang kasanayan ang mga hindi nakatapos, nawawalan sila ng ibang opsyon upang magkaroon ng disenteng hanapbuhay.
Ang investment sa paglilinang ng kasanayan ay hindi lamang dapat limitado sa pagbibigay insentibo sa mga institusyong nagbibigay ng training at vocational education. Kasama din dapat ditto ang pagtataas ng kamalayan ng mas maraming Pilipino ukol sa kabutihang maaring maidulat ng technical at vocational education.
Ang pagpapalawig ng opsyon para sa edukasyon at kabuhayan ay isang uri ng pagkilala sa dignidad ng tao. Ang Mater et Magistra ay nag-papa-alala sa mahalagang bahagi ng edukasyon sa ating buhay at pagkatao: Marami pa ring mga hindi makatarungan at makataong pangyayari sa ating buhay ngayon. Marami pa ring mga pagkakamali ang nakaka-apekto sa ating mga gawain, layunin, struktura at mga operasyon. Ngunit hindi natin mapapagkaila na, salamat sa agham at teknolohiya, ang mga produktibong sistema ngayon ay mas moderno at mas mahusay. Lahat ng ito ay nangangailangan ng mas mataas na lebel ng kasanayan mula sa mga mangagawa. Kaya’t kailangan bigyan sila ng tulong at oras upang makumpleto nila ang kanilang bokasyonal na pagsasanay at ng kanilang kultural, moral, at ispiritwal na edukasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,801 total reads

 126,801 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,243 total reads

 170,243 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 219,999 total reads

 219,999 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,195 total reads

 379,195 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,538 total reads

 400,538 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,802 total reads

 126,802 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,244 total reads

 170,244 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,000 total reads

 220,000 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,196 total reads

 379,196 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top