Matatag na ugnayan ng Holy See at Pilipinas, binigyan-diin ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,965 total reads

Umapela ng kapayapaan at makabuluhang diplomasya si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas.

Sa kanyang homiliya sa misang ginanap sa Manila Cathedral, binigyang-diin ng nuncio ang panawagan ni Pope Leo XIV na sa gitna ng umiiral na sigalot sa mundo, kinakailangan ang isang diplomasya na nakatuon sa diyalogo at pagkakasundo.

“Let those who have weapons lay them down. Let those who have the power to unleash wars choose peace… not a peace imposed by force, but through dialogue.”

Ayon pa sa kinatawan ng Santo Papa, ang tunay na diwa ng diplomasya ay nakaugat sa pagbuo ng ugnayan at pagkakaunawaan ng mga bansa.

“Diplomacy… is truly the grace of encounter, creating and sustaining relationships.”

Ipinagpasalamat din ni Archbishop Brown ang matatag na samahan ng Pilipinas at ng Holy See sa loob ng pitong dekada na isang bunga ng pagkakaibigan at pagtutulungan.

“These 75 years [are] marked by deep friendship, sincere closeness, and effective collaboration.”

Samantala, sa mensahe naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, binigyang-halaga nito ang papel ng Simbahan sa patuloy na paggabay sa sambayanang Pilipino.

Ayon sa kardinal, ang ugnayan ng bansa at ng Apostolic See ay patunay ng malasakit ng Simbahan at ng Santo Papa sa Pilipinas.

“This friendship… is a testament to the maternal solicitude of the Church and the paternal care of the successor of Peter for our nation.”

Iginiit din ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng presensya ng Santo Papa bilang tanda ng pagkakaisa ng Simbahan.

“Where Peter is, there is the Church… and… where Peter is, there is Christ.”

Ang ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas ay patuloy na nagsisilbing paalala sa matibay na ugnayan ng pananampalataya, pagkakaibigan at pakikipag-ugnayan ng Simbahan at ng bansa.

Bagama’t nagsimula ang presensya ng Holy See sa Pilipinas noong 1902 sa pagpapadala ng mga apostolic delegates, pormal na naitatag ang ugnayan noong 1951 ni noo’y Pope Pius XII at dating Pangulong Elpidio Quirino, kung saan unang naging nuncio sa bansa si Archbishop Egidio Vagnozzi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,595 total reads

 22,595 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,996 total reads

 59,996 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,207 total reads

 78,207 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,535 total reads

 162,535 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,846 total reads

 198,846 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,056 total reads

 3,056 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top