Muling pagkabuhay ng panginoon, nagdadala ng pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total views

Binigyang-diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo na ang habag ng Diyos ang pinagmumulan ng tunay na pagbabago sa buhay ng tao, bunga ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng kapistahan ng Divine Mercy sa April 12, isang linggo makaraan ang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Sinabi ni Bishop Pabillo na nagpapakita na ang Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang alaala kundi konkretong karanasan ng pagbabagong-buhay.

“Ang Muling Pagkabuhay ay nagdadala ng pagbabago… Ito ay para rin sa lahat ng mga tao na tumatanggap sa kanya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng obispo na ang pagbabagong ito ay bunga ng awa ng Diyos sa kabila ng kahinaan ng tao at binigyang-diin na ang Divine Mercy ang nagbibigay ng panibagong simula sa bawat mananampalataya.
“Babaguhin tayo dahil kinahahabagan niya tayo,” ayon sa obispo.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, ang takot at pag-aalinlangan ay hindi hadlang sa pagkilos ng Diyos sapagkat dumating si Jesus at ang unang pagbati niya sa mga alagad ay kapayapaan.
“Kahit na sila ay duwag… hindi nawala ang tiwala ni Jesus sa kanila. Sinugo pa sila,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-halaga rin ng obispo ang pananampalataya kahit hindi nakikita si Kristo, alinsunod sa sinabi ng Panginoon na mapapalad ang naniniwala kahit hindi siya nakita.
Ayon pa kay Bishop Pabillo, ang habag ng Diyos ay nagbubunga ng konkretong pagbabago sa pamayanan.

“Walang nang mahirap sa kanila kasi wala ring mayaman… Nagkakaisa sila,” bilang larawan ng tunay na pagkakaisa at pagbabahaginan ng mga unang Kristiyano.

Hinamon ng obispo ang mga mananampalataya na isabuhay ang habag ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay lalo ngayong nahaharap ang lipunan sa matinding krisis sa ekonomiya bunsod ng mga sigalot na nangyayari sa mundo partikular sa Middle East.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 101,237 total views

 101,237 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 123,347 total views

 123,347 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 197,760 total views

 197,760 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 194,012 total views

 194,012 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top