Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa MAGPAS 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,687 total reads

Inaanyayahan ng Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) ang mga mananampalataya na makibahagi sa susunod na Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) 2026 na gaganapin sa April 11 sa San Roque de Mandaluyong Parish.

Tampok sa pagtitipon ang temang “Evangelization and the Country,” na naglalayong pagnilayan ang papel ng sambayanang Kristiyano sa pagpapalaganap ng Kaharian ng Diyos sa gitna ng mga hamong moral at panlipunan sa bansa, gayundin sa lumalalang tensyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa OPNE, mahalaga ang aktibong pakikibahagi ng bawat mananampalataya sa misyong ebanghelisasyon, hindi lamang sa loob ng Simbahan kundi lalo na sa lipunan kung saan higit na kinakailangan ang pananampalatayang isinasabuhay sa konkretong pagkilos.

Magsisimula ang programa sa pagpapatala ng alas-7 ng umaga, susundan ng Banal na Misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Tatalakayin sa pagtitipon ang paksa ng responsableng pakikilahok ng Kristiyano sa lipunan at ang papel ng ebanghelisasyon sa larangan ng socio-political kung saan kabilang sa mga magbahagi ng panayam sina Fr. Enrico Martin Adoviso, minister ng Archdiocesan on Labor Concerns and Ministry on Socio-Political Affairs, at ang lay preacher na si Alvin Barcelona.

Patuloy na mensahe ng pagtitipon ang panawagan ng Simbahan na maging buhay na saksi ng pananampalataya at maging tagapagtaguyod ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa gitna ng mga hamon ng panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 81,000 total reads

 81,000 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 159,074 total reads

 159,074 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 192,522 total reads

 192,522 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,818 total reads

 227,818 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 451,133 total reads

 451,133 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top