Pag-iral ng pagkakaisa at dayalogo, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,982 total reads

Patuloy na nanawagan si Pope Leo XIV ng mas pinaigting na pagsusulong ng pagkakaisa at dayalogo sa gitna ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya at kultura.

Ito ang mensahe ng Santo Papa kasunod ng kanyang pagbisita sa Algeria na bahagi ng kanyang Apostolic Journey sa African region.

Ayon kay Pope Leo, naging mahalagang hakbang ang naturang paglalakbay upang palalimin ang ugnayan ng mga tao sa kabila ng kanilang pagkakaiba.

“I think we have really had a wonderful opportunity to continue building bridges and promoting dialogue,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin din ng punong pastol ang kahalagahan ng kanyang pagbisita sa isang mosque bilang konkretong halimbawa ng pakikipag-ugnayan sa ibang pananampalataya.

“I think the visit to the mosque was significant… although we have different beliefs, different ways of worshiping, and different ways of living, we can live together in peace,” ani ng santo papa.

Sa gitna ng mga umiiral na hidwaan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, iginiit ng Santo Papa na mahalagang maipakita ang ganitong uri ng pagkakaisa at hinimok ang bawat isa na sama-samang isulong ang kapayapaan at pagkakaisa ng mga pamayanan.

“To promote this kind of image is something the world needs to hear today. Together we can continue to offer it through our witness,” dagdag ni Pope Leo.

Pinasalamatan ng Santo Papa ang mamamayan ng Algeria, kabilang na ang mga lider ng bansa, sa mainit na pagtanggap sa kabila ng pagiging minorya ng mga Katoliko sa lugar.

Ikinalugod nito ang pagkakataong mabisita ang lugar ni Saint Augustine sa Hippo kung saan naglingkod ang santo na tagapagtatag ng Order of Saint Augustine na kinabibilangan ng Santo Papa bago maging obispo sa Peru.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 210,242 total reads

 210,242 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,915 total reads

 244,915 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 260,815 total reads

 260,815 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 297,305 total reads

 297,305 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 303,414 total reads

 303,414 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top