Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,165 total reads

Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa lugar.

Iniuugnay ng Santo Papa ang karanasan ng mga alagad sa daan patungong Emmaus sa kasaysayan ng bansang sugatan ngunit patuloy na naghahanap ng kapayapaan at pagkakaisa.

Sa kanyang homiliya, kinilala ni Pope Leo ang malalim na sugat ng Angola dulot ng mahabang digmaang sibil at ang mga iniwang hamon nito tulad ng kahirapan, pagkakawatak-watak, at kawalan ng pag-asa.

Inilarawan niya ang kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng mga alagad na “may wasak at malungkot na puso,” na tila nakakulong sa sakit at hindi makita ang pag-asa.

Binigyang-diin ng punong pastol ang sentro ng Mabuting Balita na ang muling pagkabuhay ni Kristo ang susi upang makabangon mula sa anumang anyo ng “kamatayan” sa personal man o panlipunang anyo.

“He is alive, he has risen, and he walks beside us… opening our eyes… and granting us the grace to start afresh and rebuild the future,” ayon sa pagninilay ni Pope Leo XIV.

Paalala rin ng Santo Papa na ang presensya ni Kristo ay nararanasan sa panalangin, sa pakikinig sa Salita ng Diyos, at higit sa lahat, sa Eukaristiya.

Gayunman, nagbabala siya laban sa mga gawi na naghahalo ng pananampalataya sa pamahiin, na hindi nakatutulong sa tunay na paglalakbay espirituwal.

Hinikayat ni Pope Leo ang bawat isa sa katapatan sa turo ng Simbahan at sa pagtitiwala sa mga pastol na nangangalaga dito.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang konkretong tungkulin ng bawat mananampalataya na maging “tinapay na pinagpira-piraso” para sa kapakanan ng kapwa.

“We too must recognize him… wherever there is a life that becomes like broken bread, wherever someone offers himself… as a gift of compassion,” ani ng Santo Papa.

Sa gitna ng mga hamon ng kahirapan, katiwalian, at kawalan ng pag-asa lalo na sa kabataan, nanawagan si Pope Leo sa isang Simbahang aktibong nakikiisa sa bayan na nakahandang maghilom ng sugat, magpanibago ng pag-asa, at magtaguyod ng kapayapaan at katarungan.

“Do not be afraid… be witnesses of his Resurrection and protagonists of a new humanity and a new society,” aniya.

Paalala pa ng pastol na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pananampalataya, nagbubunga sa pagkilos, at humahantong sa isang lipunang pinagtitibay at pinagbubuklod sa pag-ibig, pagkakaisa, at pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 45,438 total reads

 45,438 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 95,308 total reads

 95,308 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 143,179 total reads

 143,179 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 247,128 total reads

 247,128 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 330,929 total reads

 330,929 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top