“Benedicam”, pangako ng bagong obispo ng Diocese of Kalibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,953 total reads

Ibinahagi ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang malinaw at matibay na direksyon ng pamumuno bilang ikalimang obispo ng diyosesis.

Sa kanyang mensahe matapos ang kanyang episcopal ordination at installation sa Cathedral Parish of St. John the Baptist nitong April 23, binigyang-diin ni Bishop Villareal na ang kanyang pagtatalaga ay hindi bunga ng sariling kakayahan kundi ng pagtawag ng Diyos.

“It is the Lord who called and chose me… His faithfulness and goodness have sustained me,” pahayag ni Bishop Villareal.

Matapos ang panahon ng pagninilay at pagtanggap, inilarawan niya ang kanyang tugon bilang ganap na pagsuko sa kalooban ng Panginoon.

“This finally led me to accept this great office and to surrender and entrust everything to His will,” dagdag ng obispo.

Sentro ng kanyang pamumuno ang kanyang episcopal motto na Benedicam, na isang panata ng patuloy na pagpapala na hango sa Salmo 34:1.

Ang pangako ng bagong obispo ay isang pamumunong malapit sa tao at handang makinig, nagmamalasakit, at nananalangin kasama ng kanyang kawan.

“Benedicam. I will bless… It is a song of gratitude… but also an invitation to become a blessing to others… I promise that I will do my best to be a good shepherd to you—a shepherd who listens and cares for you,” aniya.

Sa kanyang homiliya naman, pinagtibay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang direksyon ng pamumuno ni Bishop Villareal, na hinuhubog ng tunay na kahulugan ng Benedicam ang patuloy na pagpapala sa kabila ng anumang kalagayan.

Sa gitna ng mga sugat ng lipunan, iginiit ng kardinal ang papel ng obispo bilang tagapaghasik ng pag-asa sa mamamayan.

“In a world that easily focuses on what is broken, the bishop sees and sows hope. To bless is to believe deeply that God is at work in history, even when it is hidden,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ayon pa sa kardinal, ang tinig ng pastol ay dapat sumalamin sa tinig ni Kristo at nakaugat sa pag-ibig.

“The shepherd is called to speak not his own words but the words of Christ. Without love, words become empty. But when rooted in love, even simple words can give life,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hamon ni Cardinal Advincula sa bagong obispo ang isang pamumunong may katatagan at katapatan kasabay ng pagkilala sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtalaga ng bagong pastol ng simbahan.

“To say benedicam is to say, ‘I will bless’—not only when it is easy, but even when it is difficult… You are already a blessing given by God to His people,” saad ng kardinal.

Pinangunahan ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang ordinasyon ni Bishop Villareal, katuwang sina Kalibo Bishop-emeritus Jose Corazon Tala-oc at Romblon Bishop Narcisio Abellana.

Dumalo rin sa pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, at iba pang mga obispo at pari ng Pilipinas na nakiisa sa kagalakan ng Kristiyanong pamayanan ng Aklan.

Matatandaang January 24 nang italaga ni Pope Leo XIV si Bishop Villareal bilang kahaliling pastol kay Bishop Tala-oc makaraang maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang.

Ipapastol ni Bishop Villareal ang mahigit kalahating milyong katoliko sa lalawigan ng Aklan sa 24 na mga parokya at dalawang mission stations katuwang ang halos 90 mga pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,701 total reads

 38,701 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,061 total reads

 89,061 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,932 total reads

 136,932 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,880 total reads

 240,880 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,985 total reads

 324,985 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top