Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,043 total views

Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Leanne Loreto, bagamat kasalukuyang nasa ENSO neutral conditions pa ang Pilipinas, mataas na ang posibilidad na magsimula ang El Niño pagsapit ng Hunyo, Hulyo, at Agosto, at magtatagal hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Batay sa monitoring ng PAGASA Weather Forecasting Center, naitala ang patuloy na pag-init ng temperatura sa bahagi ng Karagatang Pasipiko na nagdudulot ng El Niño na isang kondisyon kung saan umiinit nang higit sa normal ang ibabaw ng dagat sa gitna at silangang Pasipiko, na may direktang epekto sa klima ng Pilipinas.

“Ngayong buwan ay hindi pa po tayo El Niño, nasa ENSO neutral conditions pa po tayo, ngunit mataas na yung tyansa na magkaroon tayo ng El Niño simulan ng Hunyo, Hulyo at Agosto, at magpapatuloy po ito hanggang sa early months ng 2027.” Bahagi ng pahayag ni Loreto.

Bilang isang weather specialist, inihayag din ni Loreto na inaasahang magsisimula ng mahina o “weak” ang nasabing El Niño ngunit posibleng lumakas ito at maging “moderate to strong” habang tumatagal.

Hindi rin isinasantabi ang posibilidad ng isang “very strong” o tinatawag na Super El Niño hanggang sa mga unang buwan ng susunod na taong 2027.

“Magsisimula po ito bilang isang weak El Niño, possible nga po by June, July, August and gradually ay mas lalakas pa ito at base po sa ating latest projections ay maaari pong maging moderate to strong El Niño itong phenomenon na ito hanggang sa early months ng 2027. Hindi din natin niru-rule-out na maging very strong El Niño event o Super El Niño ito kaya’t mag-antabay po tayo sa updates galing dito sa PAGASA.” Dagdag pa ni Loreto.

Ipinaliwanag din ni Loreto na ang pag-iral ng El Niño sa panahon ng Habagat ay maaaring makapagpalakas sa southwest monsoon, na magdudulot ng mas malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.

“Dahil June, July, August po magsisimula yung El Niño, ay ito po’y Habagat Season. So ang inaasahan po natin kung may El Niño during Habagat Season ay mas ma-e-enhance o mas mapapalakas nito ang Habagat at magdadala ito ng mas malalakas ng mga pagulan sa may western o kanlurang bahagi ng ating bansa.” Ayon kay Loreto.

Pagbabahagi ng eksperto, dahil magpapatuloy ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027, posibleng makaranas ang bansa ng dry spell at drought o tagtuyot at kakulangan sa tubig mula Oktubre 2026 hanggang Marso 2027.

Ayon kay Loreto, bagamat maaaring mas kaunti ang mabubuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility, inaasahan namang mas malalakas ang antas o level ng mga ito dahil sa pag-iraal ng El Niño.

Paliwanag ni Loreto, “Aside po doon dahil magpapatuloy nga ang El Niño hanggang sa early months ng 2027, yung dry season natin maaari po makaranas din tayo ng dry, dry spell at drought during October 2026 hanggang March 2027. Aside po dito, para naman po sa bagyo, maaari po tayong makaranas or maaari pong mas konting bagyo ang mabuo sa ating Philippine Area of Responsibility ngunit kahit mas konti po, ay mas malalakas naman po yung antas o level ng mga bagyo na ito.”

Samantala, hinihikayat naman ng PAGASA ang publiko na patuloy na mag-monitor ng mga update at maghanda sa posibleng epekto ng El Niño sa agrikultura, suplay ng tubig, at kalusugan.

Kaugnay nito, sa bahagi ng Simbahan, bukod sa pagdarasal na ipag-adya ang bansa mula sa anumang kalamidad at sakuna, ang pangangalaga sa kalikasan at ang kaalaman sa paghahanda laban sa iba’t ibang sitwasyon ay dapat na isaalang-alang ng publiko para sa kaligtasan ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,371 total views

 53,371 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,240 total views

 49,240 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,442 total views

 85,442 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,961 total views

 93,961 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,802 total views

 118,802 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top