Pagkilala ng ICC ng hurisdiksyon sa kaso ni dating pangulong Duterte, ikinagalak

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,134 total views

Nagpahayag ng kagalakan si Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee 2025, Rev. Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD sa naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa hurisdiksyon nito sa isinampang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa tinaguriang war on drugs.

Ayon sa Pari na siya ring founder at president ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na nangangasiwa sa Program Paghilom, ang desisyon ng ICC ay isang mahalagang hakbang tungo sa katarungan at paghilom na matagal ng hinahangad ng mga biktima ng extrajudicial killings.

“On behalf of Program Paghilom, we welcome today’s decision as a serious and meaningful step toward justice and healing. The ruling of the International Criminal Court on its jurisdiction over the period of the so-called war on drugs affirms a fundamental truth: the suffering of victims and their families cannot be buried in silence. Their pain is real. Their voices matter. Their call for accountability must be heard.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Villanueva.

Binigyang-diin din ng Pari ang paninindigan ng Program Paghilom sa panawagan para sa pananagutan, lalo na para sa mga pamilyang matagal nang bitbit ang bigat ng pagkawala at dalamhati ng kanilang mga mahal sa buhay na biktima ng marahas na implementasyon ng laban sa illegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“We stand in solidarity with the families who, for years, have carried the weight of loss, fear, and unanswered grief. Their quiet cry—“Tama na po”—continues to echo, and it calls all of us to conscience.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Partikular ding inalala ni Fr. Villanueva ang mga biktimang nasawi, kabilang ang mga kabataan na sina Myca, Aldrin, at Kian Delos Santos, bilang paalala sa matinding epekto ng karahasan sa lipunan.

Ayon sa Pari, walang magiging tunay na pag-usad ang isang lipunan kung hindi nito kinikilala ang sariling sugat na dapat na solusyunan.

“We remember the lives lost, including the young—Myca, Aldrin, Kian, and many others—whose names remind us of the profound human cost of violence. No society can move forward without first acknowledging its wounds.” Ayon pa Fr. Villanueva.

Samantala, ipinahayag din ng Pari ang patuloy nitong misyon na samahan at kalingain ang mga mahihirap, bulnerable, at naisasantabi sa lipunan, kasabay ng pagpapatuloy ng proseso ng pagsusulong ng katarungan.

“As Program Paghilom, we remain committed to walking with the poor, the vulnerable, and the forgotten. We continue the work of healing—patiently, faithfully—even as the pursuit of justice takes its course. May this moment open a path not only to accountability, but to restoration—so that our wounded nation may begin, at last, to heal as one.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Umaasa naman si Fr. Villanueva na ang naging desisyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa hurisdiksyon nito sa kaso laban kay dating Pangulong Duterte ay maging hakbang upang magbukas ng daan hindi lamang sa pananagutan kundi pati sa ganap na pagpapanumbalik at tuluyang paghilom ng bansa bilang isang sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 53,360 total views

 53,360 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 49,229 total views

 49,229 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 85,431 total views

 85,431 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,950 total views

 93,950 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,792 total views

 118,792 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top