Cardinal David, nanawagan ng pananagutan sa sunog sa Navotas landfill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,126 total reads

Nagpahayag ng matinding pag-aalala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kaugnay ng naganap na sunog sa Navotas landfill.

Ayon kay Cardinal David, ang insidente ay sumasalamin sa mas malalim na krisis sa kalikasan at pananagutan.

Paliwanag ng kardinal, hindi dapat kumikilos na parang tambakan ang isang sanitary landfill dahil may malinaw na pamantayan ito sa ilalim ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

“The law requires every barangay to have a Materials Recovery Facility, with each LGU diverting at least 25% of waste through recycling, composting, and reuse. Yet a 2023 Commission on Audit performance audit found that as of 2021, only 16,418 of 42,046 barangays were actually served by MRFs. The law exists. Compliance does not,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na nakababahala ang ulat ng kakulangan sa maayos na pagsasara at rehabilitasyon ng pasilidad, kabilang ang kawalan ng sapat na gas control systems at water treatment, na maaaring naging dahilan ng sunog.

Aniya, hindi na lamang ito usapin ng basura kundi ng kalusugan ng publiko, malinis na hangin at tubig, seguridad sa pagkain, at karapatan ng mamamayan sa balanseng kapaligiran.

“When a landfill poisons the air, endangers water sources, displaces aquaculture, and becomes a recurring fire and disaster risk, the public is not just entitled to answers — it is entitled to justice,” saad ni Cardinal David.

Nanindigan din ang kardinal na dapat managot ang mga may responsibilidad kung mapapatunayang may paglabag sa batas, at hinikayat ang publiko na gamitin ang kanilang karapatan na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga lumalabag.

Dagdag pa niya, ang sunog sa landfill ay hindi hiwalay na insidente kundi bahagi ng mas malawak na suliranin sa pamamahala ng basura sa bansa.

Panawagan ni Cardinal David ang sama-samang pagkilos upang igiit ang pananagutan at mapangalagaan ang kalikasan at kalusugan ng mga komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,674 total reads

 38,674 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 89,037 total reads

 89,037 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,908 total reads

 136,908 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,856 total reads

 240,856 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,962 total reads

 324,962 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 166,142 total reads

 166,142 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top