Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Benefactors at donors, kinilala ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,810 total views

Kinilala at pinasalamatan ng Caritas Manila ang mga donor at benefactors na walang sawang sumusuporta sa mga programa ng social action arm ng Archdiocese of Manila para i-angat ang pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Sa isinagawang “Isang Pasasalamat Agape”, muling hinimok ni Caritas Manila Executive Director Rev.Fr.Anton CT Pascual ang publiko na makiisa sa adbokasiya sa pamamagitan ng bayanihan at pagsuporta sa mga mahihirap upang sila ay makatayo sa sariling paa sa halip na “dole-out”.

” Bayanihan, tulungan, pagkakaisa—tulungan po natin ang ating mga kababayang mahihirap na matulungan ang kanilang sarili. Help the poor help themselves. Ayaw po natin ng abuloy, ayaw natin ng dole-out. Tulungan po natin ang mga naghahanap ng trabaho, naghahanap ng pagkakakitaan, o gustong mag-aral. Kung may mga karamdaman, ilapit po natin, tutulong sa kanila, at palakasin po natin ang pagmalasakit natin, Sabi nga ni Cardinal Sin, ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal din sa ating bansa,”

Tiniyak naman ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, chairman of the Board of Directors ng Caritas Manila na nanatiling sentro ng misyon ng simbahan ang mga maralita.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagtugon ng Caritas Manila sa pangangailangan ng mga maralita ay naaayon sa turo sa turo ni Pope Leo XIV na ang mga mahihirap ay puso ng pastoral na misyon ng simbahan.

“Pope Leo XIV teaches us that the poor stand at the very center of all our pastoral mission. This truth embraces not only the Church’s work of charity, but also the very message she celebrates and proclaims. In them, God chose to assume poverty itself so that through their voices, their stories, and their faces, we might be made rich. Every form of poverty without exception beckons us to live the Gospel tangibly and to become living signs of hope offered with sincerity and action,” mensahe ni Cardinal Advincula

Sa kanyang mensahe “Isang Pasasalamat Agape”, ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang pangangailangan ng mas malawak pang access sa katarungan lalo na sa mga mahihirap na nakakulong tulad ng inilunsad na “Access to Justice Ministry” na nagkakaloob ng libreng legal services.

Tinukoy din ni Cardinal David ang mga usaping pang-kalikasan tulad ng epekto ng mga landfill sa kalusugan ng publiko.

Hinikayat din ng Cardinal ang mas aktibong pagtugon sa waste management at integral ecology bilang bahagi ng panlipunang misyon ng Simbahan.

“So, I would say, I think integral ecology issues should also be attended to by networks like that. But all that said, I’d like to thank you once again and congratulate you for your magnanimity, for your generosity to be here and to spend time together. At maraming salamat Father Anton, our great leader here in the Archdiocese of Manila, who is irreplaceable unfortunately. But for the sake of succession, Father Anton, make sure that you are able to prepare also a good successor for the leadership of Caritas. Maraming salamat po at magandang tanghali sa inyo,” ayon naman sa mensahe ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 34,498 total views

 34,498 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 80,221 total views

 80,221 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 82,431 total views

 82,431 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 154,571 total views

 154,571 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 164,686 total views

 164,686 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 2,396 total views

 2,396 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top