Kalusugan ng mga residente, nasa panganib pa rin kahit under control na ang sunog sa Navotas landfill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,182 total reads

Nagbabala ang Greenpeace Philippines na nananatiling nasa panganib ang kalusugan ng mga residente sa kabila ng deklarasyong “under control” na ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill, makalipas ang halos dalawang linggo mula nang ito ay magsimula.

Ayon sa grupo, ang ganitong uri ng sunog ay hindi agad nawawala at maaaring magpatuloy sa ilalim ng tambak ng basura, na naglalabas ng mapanganib na polusyon.

“Landfill fires don’t simply go out… they can continue burning underground, releasing toxic emissions long after the flames disappear,” pahayag ng Greenpeace.

Ipinaliwanag ng Greenpeace Phiilippines na ang mga usok mula sa nasusunog na basura, lalo na ang plastik, ay naglalaman ng pinong particulate matter at iba pang kemikal na maaaring magdulot ng sakit sa baga, puso, at pangmatagalang epekto sa kalusugan.

Binigyang-diin din ng grupo na hindi iisang insidente lamang ang nangyari, kundi bahagi ng mas malalang suliranin sa pamamahala ng basura sa bansa.

“This is not just about one site. This is already the third landfill disaster this year. Each one exposes the same pattern: a system that waits until waste piles up, then deals with it too late,” ayon sa grupo.

Sinabi ng Greenpeace na ang paulit-ulit na ganitong insidente ay nagpapakita ng kabiguan ng kasalukuyang sistema, kung saan ang mga komunidad ang direktang naaapektuhan—mula sa maruming hangin hanggang sa panganib sa kabuhayan at buhay.

Iginiit ng grupo na bagama’t may umiiral nang mga batas sa waste management, kulang pa rin ang pagpapatupad lalo na sa pagpigil sa produksyon ng plastik mula sa malalaking kumpanya.

Nanawagan din ang organisasyon sa mga kumpanya na bawasan ang produksyon ng single-use plastics at lumipat sa mga sistemang muling paggamit o reuse, na mas epektibong solusyon upang maiwasan ang pagdami ng basura.

“We cannot keep managing waste this way. The government must enforce waste reduction at the source, strengthen policies, and ensure accountability. Corporations must be required to drastically reduce plastic production and shift to systems that do not rely on disposability,” giit ng Greenpeace.

Nanindigan ang grupo na hangga’t hindi tinutugunan ang pinagmumulan ng suliranin, magpapatuloy ang ganitong mga sakuna at mananatiling nalalagay sa panganib ang mga komunidad.

Nauna nang iginiit ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang sunog sa landfill ay hindi lamang hiwalay na insidente kundi malinaw na sintomas ng mas malalim at malawak na suliranin sa sistema ng pamamahala ng basura sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 57,784 total reads

 57,784 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 154,076 total reads

 154,076 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 198,345 total reads

 198,345 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 221,454 total reads

 221,454 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 294,025 total reads

 294,025 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,021 total reads

 146,021 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top