Diocese of Legazpi, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,407 total reads

Nanawagan sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi na magpaabot ng tulong para sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng panibagong pagliligalig ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.
Sa inilabas na situation report ng SAC-Legazpi, nagbuga ang bulkan ng pinakamalakas na pyroclastic density current mula sa Mi-isi Gully noong ikalawa ng Mayo, na nagdulot ng makapal na ashfall sa ilang barangay sa Oas, Guinobatan, Ligao City, at Camalig, dahilan upang mapilitang lumikas ang libo-libong residente.

Batay sa pinakahuling tala, mahigit 195,000 indibidwal o halos 56,000 pamilya mula sa 129 barangay ang naapektuhan ng pag-ulan ng abo, habang 1,133 pamilya o mahigit 4,000 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 17 evacuation centers.

“As of this report, no evacuees are sheltered in parishes or churches within the Diocese of Legazpi… No deaths, injuries, or missing persons have been reported as of this writing,” ayon sa SAC Legazpi.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nanatiling nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone.

Naitala rin ang paunang pinsala sa agrikultura kabilang ang pagkasira ng mga pananim, halaman, gayundin ang pagkamatay ng ilang alagang hayop dulot ng makapal na abo.

Bunsod nito, nangangamba ang mga residente sa posibleng epekto nito sa suplay ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka habang nagpapatuloy ang assessment ng mga lokal na pamahalaan ng Camalig at Guinobatan sa kabuuang lawak ng pinsala.

“The Municipal Government of Camalig and Guinobatan are continuing its assessment to determine the full extent of agricultural damage and its impact on affected communities. Final figures on crop losses and estimated cost of damage are pending,” ayon sa ulat.

Dahil dito, inilunsad ng SAC-Legazpi ang isang donation drive para sa mga evacuee, kabilang ang face masks, inuming tubig, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Maaaring maghatid ng in-kind donations sa Albay Cathedral Compound sa Legazpi kung saan matatagpuan ang tanggapan ng SAC-Legazpi.

Para naman sa cash donations, maaari itong ipadala sa GCash account ni Legazpi SAC Director, Fr. Eric Martilliano sa 0995-749-6571, o sa BPI account na Social Action Center-SPM, sa account number na 0851-0067-37.

Hinihikayat ang mga donor na ipadala ang kopya ng kanilang transaksyon sa Facebook page ng SAC Legazpi para sa wastong pagkilala at maayos na dokumentasyon ng kanilang donasyon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 15,210 total reads

 15,210 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 32,678 total reads

 32,678 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 103,616 total reads

 103,616 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 190,121 total reads

 190,121 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 233,153 total reads

 233,153 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 281,402 total reads

 281,402 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 194,212 total reads

 194,212 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top