CASER, highlight sa peacetalks ng NDF at GRP panel.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total reads

Iginiit ng Kalikasan People’s Network for the Environment na mahalagang isama ng Government of the Republic of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines panel ang suliranin ng kalikasan sa 4th round ng usapang pangkapayapaan.

Ayon kay Clemente Bautista – National Coordinator ng grupo, malaki ang magiging saklaw ng Comprehensive Agreement on Social and Economic Reform (CASER) sa pangangalaga sa kalikasan.

Isa sa highlight na binanggit ni Bautista ang pagsasaayos ng mga nasira sa kapaligiran, kasama na ang rehabilitation ng mga nasirang bundok at karagatan upang maiwasan ang mga sakunang bunsod ng pagkasira ng kalikasan.

“Malaki yung saklaw nyan pero isang gusto naming i-highlight yung rehabilitation ng degraded environment natin sa Pilipinas, partikular yung mga kagubatan natin at katubigan, pangalawa yung pagbibigay hustisya dun sa mga biktima ng mga environmental crimes including killing pati na yung mga nasalata ng trahedya pati na yung mine tailing sa Disater yung mga Flashfloods dahil sa pagkaubos ng mga puno pagkasira ng mga kagubatan, yun yung ilan sa magandang i-higlight,”pahayag ni Bautista.

Samantala, iginiit din ni Bautista na bahagi ng kaguluhan partikular na sa Mindanao ay dahil sa hindi maayos na pangangasiwa sa likas na yaman ng bansa.

Aniya, dahil sa pagkamkam ng mayayamang kumpanya ng minahan sa lupain at kabundukan ay nawawalan ng tahanan ang mga katutubong tunay na nagmamay-ari ng mga lupain.

Kaugnay dito, nanawagan si Bautista sa dalawang panig na magkasundo na, alang-alang sa pangangalaga sa kalikasan, at sa mahihirap na unang naaapektuhan ng pagkasira nito.

Sa article 3 ng CASER nasasaad ang mahigpit na mining regulations at maayos na pagpapatupad ng mga batas na mangangalaga sa kalikasan.

Bukod dito, binigyang diin rin sa CASER ang paggamit sa renewable energy sources bilang pangunahing pinagmumulan ng kuryente sa halip na pag-ooperate ng mga coal fired Power Plants.

Sangayon dito, inihayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na tunay na malaking salik sa pagkapit na pangmatagalang kapayapaan ang kaayusan sa kapaligiran.

“Mahalagang ang kalikasan sa usapin ng kapayapaan kasi maraming gulo ang nangyayari hanggang ngayon dahil sa pagkasira ng kalikasan. Yung mga pagmimina ay maraming katutubo natin, magssaka, mangingisda ang nawawalan ng hanap buhay dahil sa pagmimina. Kaya kung gusto natin na magkaroon ng kapayapaan kailangan din natin na pangalagaan ang kalikasan at huwag nating papasukin ang mga business na nakasisira ng kalikasan at ang nakikinabang lang ay ang mga mayayaman o kaya mga dayuhan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Samantala, naniniwala rin si Bishop Pabillo, na ang unang hakbang ng Department of Environment and Natural Resources na pagsuspindi at pagpapasara sa mga minahan ay isang punto na maaaring pagkasunduan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF panels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 93,138 total reads

 93,138 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 129,161 total reads

 129,161 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 163,293 total reads

 163,293 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 219,698 total reads

 219,698 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 18,158 total reads

 18,158 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 47,828 total reads

 47,828 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 40,684 total reads

 40,684 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top