Institutionalized climate budget, iginiit ng CCC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 196 total views

Binigyang-diin ng Climate Change Commission ang kahalagahan ng institutionalized climate budget tagging upang mapalakas ang transparency, accountability, at evidence-based decision-making sa pagpapatupad ng climate action sa ginanap na ASEAN Climate Week Parallel Session on Climate Finance and Climate–Economy Modelling.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni CCC Vice Chairperson and Executive Director Robert E.A. Borje, na hindi lamang usaping pangkalikasan ang climate action kundi isa ring usaping pang-ekonomiya at pampinansyal na nangangailangan ng matibay na sistema sa paggabay ng public investments at development planning.

Binigyang-pansin din ni Borje ang Climate Change Expenditure Tagging o CCET ng Pilipinas bilang mahalagang mekanismo sa pagtukoy, pag-uuri, at pagsubaybay sa paggastos ng pamahalaan para sa mga programang may kaugnayan sa klima.

“At its core, CCET is about transparency and accountability. It allows our Government to clearly report how public funds are utilized for climate action not only for compliance under the Enhanced Transparency Framework and the Biennial Transparency Reports, but to ensure that spending leads to measurable outcomes,” pahayag ni Borje.

Iginiit din ng komisyon na mahalaga ang ugnayan ng mga ahensyang may kinalaman sa kalikasan, pananalapi, at development planning upang maging mahusay ang paggamit ng limitadong mga mapagkukunan para sa programang pangklima.

Inorganisa ang nasabing parallel session ng United Nations Development Programme katuwang ang Department of Environment and Natural Resources at Department of Finance bilang bahagi ng pagiging chair ng Pilipinas sa ASEAN ngayong 2026.

Tiniyak ng CCC na patuloy na makikipagtulungan ang Pilipinas sa mga bansang kasapi ng ASEAN upang higit pang mapalakas ang sistema ng climate finance at pagsusulong ng matatag at climate-resilient development sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 116,608 total views

 116,608 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 138,613 total views

 138,613 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 162,955 total views

 162,955 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 183,849 total views

 183,849 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 210,788 total views

 210,788 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Legazpi, nanawagan ng tulong

 2,279 total views

 2,279 total views Nanawagan sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi na magpaabot ng tulong para sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng panibagong pagliligalig

Read More »
Scroll to Top