Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipino at katutubong wika, gagamitin ng CCC at KWF sa climate change information drive

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,170 total views

Nagkasundo ang Climate Change Commission (CCC) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na palawakin ang paggamit ng Filipino at iba’t ibang katutubong wika sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa climate change.

Nilagdaan ng dalawang ahensya ang isang Memorandum of Understanding (MOU) upang gawing mas malinaw, mas madaling maunawaan, at mas abot ng mga komunidad ang usapin ng krisis sa klima.

Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje, mahalagang katuwang ng komisyon ang KWF sa pagsusulong ng mga hakbang at pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagbabago ng klima at pangangalaga ng kalikasan.

Binigyang-diin ni Borje na bagamat unibersal ang datos at siyensya ng climate change, kinakailangang maipaliwanag ito sa paraang lokal, inklusibo, at nauunawaan ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Ang ganitong teknikal na dokumento ay nangangailangan ng koordinasyon sa inyong institusyon upang masiguro na napapanatili nito ang linguistic inclusivity. Dito nagtatagpo ang dalawang tungkulin: ang CCC sa pagbibigay-linaw sa panganib at direksyon ng patakaran, at ang KWF sa pagtiyak na ito ay nauunawaan at nagiging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Borje.

Sinabi naman ni KWF Chairperson Atty. Marites A. Barrios-Taran na mahalagang magamit ang wika bilang instrumento upang maihatid sa mamamayan ang mahahalagang impormasyon, kabilang ang usapin ng kalikasan at pagbabago ng klima.

“Ang ating wika ay dapat na nagsisilbi sa tao. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay itinatag hindi lamang upang maging bantay ng balarila o tagasuri ng mga salita; ang ating serbisyo ay kailangang nakararating sa mga mamamayan,” ayon kay Barrios-Taran.

Kabilang sa pagtutulungan ng CCC at KWF ang pagbuo ng communication materials, capacity-building activities, at mga kampanyang gumagamit ng siyentipikong datos na maisasalin sa pambansa at rehiyonal na mga wika.

Bahagi rin ito ng whole-of-government approach ng pamahalaan upang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng bansa laban sa lumalalang epekto ng climate change.

Kaakibat naman ito ng mensahe ni Pope Francis sa Laudato Si’ at Laudate Deum na mahalagang maipaabot sa bawat pamayanan ang usapin ng climate change upang sama-samang mapangalagaan ang kalikasan at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 8,225 total views

 8,225 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 31,247 total views

 31,247 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 70,741 total views

 70,741 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 85,761 total views

 85,761 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top