D1L Movement kontra political dynasty, itinatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,769 total reads

Isang panibagong malawakang kilusan ang nakatakdang ilunsad na naglalayong ipasa ang isang tunay na batas laban sa political dynasty sa bansa.

Nakatakda ang media launch ng Dapat Isa Lang o D1L Movement sa Mayo 8, 2026 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Obispado de Cubao.

Layunin ng kilusan na itulak ang pagpapatibay ng isang “genuine anti-political dynasty law” sa pamamagitan ng People’s Initiative, na isang paraang nagbibigay-daan sa mamamayan na direktang makapagpanukala ng batas.

Ayon sa grupo, ilalahad sa pagtitipon ang kanilang mga plano, katuwang na organisasyon, at kampanya upang makalikom ng suporta para sa panukala.

Binigyang-diin ng kilusan na layunin nitong tugunan ang matagal nang panawagan para sa reporma at pananagutan sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Dapat Isa Lang o D1L Movement, layunin nitong tiyakin ang pantay na pagkakataon ng bawat mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan.

“D1L champions the passage of a long overdue law prohibiting political dynasties and guaranteeing equal access to opportunities for public service by providing the definition of political dynasties together with clear enforcement procedures. D1L will pass the people’s version of the law via People’s Initiative, which is a Constitutionally vested power to pass a law directly instead of going through Congress.” Bahagi ng mensahe ng D1L Movement.

Isasapubliko rin sa gawain ang manifesto na pirmado ng iba’t ibang sektor kabilang ang civil society, business, educational at faith-based groups.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo ang ilang kilalang personalidad tulad nina D1L Spokesperson Atty. Carlo Africa; Former Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio; Former Commission on Elections Commissioner Luie Guia; Kontra Dinastiya founder Atty. Alex Lacson; Peoples Initiative Coalition Against Dynasties Petitioner Atty. Eirene Aguila; Clergy for Good Governance Convenor Fr. Robert Reyes; at Simbahang Lingkod ng Bayan Executive Director Mr. Karlo Abadines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 7,004 total reads

 7,004 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 79,791 total reads

 79,791 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 166,290 total reads

 166,290 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 209,325 total reads

 209,325 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 258,738 total reads

 258,738 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top