Rep. Acidre, suportado ang paninindigan ni Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,307 total reads

Sinuportahan ni House Committee on Higher and Technical Education Chair Jude Acidre ang paninindigan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi dapat ituring na pamumulitika o pang-uusig, kundi isang lehitimong proseso ng Konstitusyon at bahagi ng demokratikong mekanismo ng bansa.

“Tama po si Bishop Bagaforo. In a democracy, transparency is not a weakness. Accountability is not political harassment. Justice is not destabilization. Ang impeachment process po actually ay proseso ng paghilom, proseso ng paghanap ng sagot, ng liwanag,” ayon kay Acidre.

Sa gitna ng nakatakdang botohan sa Kamara para sa pagpapadala sa Senado ng Articles of Impeachment, iginiit ni Acidre na ang impeachment ay hindi banta sa pagpapahina ng gobyerno, kundi isang paraan upang linawin ang mga usapin ng pananagutan at maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon.

Binigyang-diin niya na ang proseso ay maaaring magsilbing hakbang tungo sa “paghilom” ng bansa sa gitna ng lumalalim na duda at pagkakahati-hati sa politika, lalo na sa mga alegasyon ng umano’y maling paggamit ng mahigit 612 milyong pisong confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.

Kabilang sa mga isyung tinatalakay ang mabilis na disbursement ng pondo, mga kaduda-dudang liquidation reports, findings ng Commission on Audit, at mga ulat ng National Bureau of Investigation na may kaugnayan sa mga dokumento at acknowledgment receipts.s

Ayon kay Acidre, ang patuloy na hindi pagharap sa mga pagdinig at hindi direktang pagsagot sa mga akusasyon ay lalong nagpapalalim ng pagdududa ng publiko, sa halip na makapagbigay-linaw.

Lumawak pa ang saklaw ng mga paratang sa Article II ng impeachment, kabilang ang sinasabing hindi maipaliwanag na pagtaas ng yaman ng Bise Presidente mula 2007 hanggang 2024, gayundin ang malalaking transaksyong iniulat ng Anti-Money Laundering Council na may kinalaman sa pamilya Duterte.

Dagdag pa rito ang Article III na tumutukoy sa alegasyon ng bribery at distribusyon ng cash envelopes sa ilang opisyal ng Department of Education, at Article IV na may kaugnayan sa grave threats at pagbabanta sa buhay laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

“Only the evil fear the cleansing power of valid and thorough investigations and trials,” saad pa ng mambabatas.s
Iginiit ni Acidre, ang mga kasong ito ay hindi dapat takasan o balewalain, kundi harapin sa tamang proseso ng batas kung saan ebidensya at katotohanan ang mananaig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 23,982 total reads

 23,982 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 60,529 total reads

 60,529 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 114,364 total reads

 114,364 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 176,828 total reads

 176,828 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 244,579 total reads

 244,579 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 43,949 total reads

 43,949 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top