Tunay na pagmamahal sa Diyos, daan ng pagkakaisa, kapayapaan at kaligtasan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,859 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV na ang tunay na pagmamahal ng Diyos ang pundasyon ng buhay Kristiyano at ang daan tungo sa pagkakaisa, kapayapaan, at kaligtasan.

Sa kanyang pagninilay sa Regina Caeli sa St. Peter’s Square noong Linggo, binigyang-diin ng Santo Papa na hindi nakabatay sa pagsunod ng tao sa kautusan ang pag-ibig ng Diyos kundi ang mismong pag-ibig ng Panginoon ang nagtutulak sa tao upang mamuhay nang matuwid.

“God’s love is the basis for our righteousness. We truly keep the commandments according to God’s will when we recognize his love for us, just as Christ revealed it to the world,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ang pag-ibig ni Hesus ang tunay na pamantayan ng wagas at walang kondisyong pagmamahal.

“Christ himself is the standard, the measure of true love: the love that is faithful forever, pure and unconditional,” ayon sa Santo Papa.

Binigyang-diin din nito na ang tunay na pag-ibig ay hindi makasarili kundi handang magsakripisyo para sa kapwa.

“The love that gives of itself without seeking to possess; the love that gives life without taking anything in return,” saad pa ng Santo Papa.

Ayon kay Pope Leo, ang kakayahan ng tao na magmahal ay nagmumula mismo sa pag-ibig ng Diyos.

Ipinaalala rin ng Santo Papa na ang mga utos ng Diyos ay hindi pabigat kundi gabay upang mailayo ang tao sa maling uri ng pagmamahal at maituwid ang pamumuhay.

“The Lord’s commandments are therefore a way of life that heals us from false loves. They are a spiritual lifestyle that is a path towards salvation,” paliwanag ni Pope Leo XIV.

Mariing tinuligsa ng Santo Papa ang umiiral na karahasan at pang-aapi sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“The world cannot receive [the Spirit of truth] as long as it persists in evil, oppressing the poor, excluding the weak and killing the innocent,” ayon sa Santo Papa.

Kasabay nito, nanawagan ng panalangin ang punong pastol at pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon ng Sahel, partikular sa Chad at Mali na patuloy na nakararanas ng karahasan at pag-atake ng mga terorista.

“I fervently hope that every form of violence may cease, and I encourage all efforts aimed at fostering peace and development in that beloved land,” saad ng Santo Papa.

Hinimok din ni Pope Leo ang mga mananampalataya na patuloy na isabuhay ang pagkakaisa bilang magkakapatid kay Kristo at pairalin ang pagmamahal na nagmumula sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 116,127 total reads

 116,127 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 149,456 total reads

 149,456 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 181,600 total reads

 181,600 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 247,662 total reads

 247,662 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 259,470 total reads

 259,470 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top