Bishop Mangalinao, naninindigan laban sa mining exploration sa Nueva Vizcaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,911 total reads

Muling nanindigan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao laban sa mining exploration ng Northern Luzon Mineral Resources sa bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kasunod ng pagtatayo ng dalawang bagong barikada ng mga residente noong ika-10 ng Mayo.

Sa inilabas na opisyal na pahayag, sinabi ni Bishop Mangalinao na ang pagmimina sa lugar ay sumasaklaw sa mahigit 4,400 ektarya na kinabibilangan ng mga barangay ng Pao, Kakiduguen, at iba pang karatig na komunidad.

Binigyang-diin ng obispo ang patuloy na pakikiisa ng Simbahan sa mga residenteng tumututol sa mga gawaing pagmimina na maaaring magdulot ng pinsala sa kabundukan, mga watershed, kabuhayan, at kaligtasan ng mga pamayanang umaasa sa likas-yaman ng lalawigan.

“Muli po tayong tumitindig at naninindigan! Ang pagmimina ay lubhang nakasisira sa kabundukan, kapaligiran, kalikasan, kabuhayan, at buhay,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Hinimok din ni Bishop Mangalinao ang publiko na suportahan ang mga pamayanang matapang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at nagtatanggol sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Iginiit ng obispo na ang pagtatanggol sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkabuhayan kundi pananagutang moral at espiritwal ng bawat mananampalataya.

“Bilang tanda ng ating pagiging maka-Diyos, makatao, makabayan, at makakalikasan, mangyari po na ating muling suportahan ang mga mamamayan na matapang na nagtatanggol sa ating kalikasan at kinabukasan,” ayon sa obispo.

Ibinahagi rin ni Bishop Mangalinao ang nakasaad sa Aklat ng Genesis, na tungkulin ng tao na pangalagaan at ingatan ang nag-iisang tahanan bilang biyaya ng Diyos.

“Muli tayong magsama sama sa pagtutol sa pagsira ng ating kalikasan, kabuhayan, at buhay! No to destructive mining! Defend Nueva Vizcaya! Defend our Watersheds! Defend our life and livelihood,” saad ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 115,373 total reads

 115,373 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,702 total reads

 148,702 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,846 total reads

 180,846 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,908 total reads

 246,908 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,772 total reads

 258,772 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,304 total reads

 122,304 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top